PNP-CIDG DIRECTOR GEN. CARAMAT MASIPAG AT LAGING MAAASAHAN!

TARGET NI KA REX CAYANONG

ANG Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay maituturing na primary investigation arm ng Philippine National Police (PNP). Kaya mahalaga na tamang tao ang nakapuwesto rito.

Maraming natuwa nang maitalaga rito si Brig. Gen. Romeo Caramat bilang direktor. Kung hindi ako nagkakamali, si Brig. Gen. Ronald Lee ang pinalitan niya.

Naalala ko nga pala na si Caramat ay nagsilbi ring direktor ng Police Regional Office-Caraga (PRO-13).

Kasunod nito, naging deputy director ng Directorate for Intelligence siya bago inilagay sa CIDG habang si Lee naman ang napunta ngayon sa DI. Ngayong si Caramat na ang nasa CIDG, sunod-sunod ang mga operasyon nila.

Nanginginig na nga raw sa takot ang mga kriminal dahil dito. Lahat ng mga kriminal na grupo, tina-target ng CIDG.

Mahalagang madakip ang mga ito upang mapanatili ang mababang crime rate ng bansa alinsunod na rin sa kautusan ni PNP chief, Director General Rodolfo Azurin Jr.

Naglunsad ang CIDG ng Flagship Project: Oplan Paglalansag Omega & Salikop. Aba’y maraming naaresto at nahulihan ng mga baril.

Kabilang sa mga nasakote sina Jomar Balatbat at Ariel Reyes Jr. dahil sa paglabag daw sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa ikinasang operasyon sa BMBA 2nd Ave., Brgy. 120, Caloocan City kamakailan.

Nadakip din daw sina Erwin Baloro, 37, taxi driver, at Nico Albuen, 28, helper, sa nasabi pa ring barangay.

Ang nanguna sa Operating Units ay ang CIDG NCR Northern District Field Unit, Caloocan CPS at RMG NCR. “On the said date, time and place, joint operatives of this office and Caloocan CPS conducted Anti-Illegal Possession of Firearms operation that resulted to the arrest of the [mentioned] suspects on Buy-Bust/Entrapment,” ayon sa statement ng PNP-CIDG.

Nasabat sa operasyon ang isang magnum 22 revolver, limang piraso ng mga bala, isang piraso ng P1,000 na dusted money at limang piraso ng P500 bills.

Umani ng kaliwa’t kanang papuri ang CIDG at si Caramat sa matagumpay nilang operasyon.

Ang mga nadakip daw ay pawang mga kasapi ng Commando Group na hinihinalang sangkot sa serye ng illegal activities sa CAMANAVA area at iba pang lugar sa Metro Manila.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

228

Related posts

Leave a Comment