PONDO NG MGA OFW SA OWWA, HUWAG IPAGAMIT SA POLITIKO

BANTAY OFW

Maraming mga Filipino community leaders ang nagbigay ng negatibong reaksyon sa napanood na live stream ng Facebook account ng Ormoc City government na kung saan ay iniaabot ni Ormoc Mayor Ri­chard Gomez sa isang seremonya sa loob ng kanyang tanggapan ang tseke na nagkakahalaga ng P20,000 para sa mga distressed workers sa ilalim ng OWWA Reintegration program.

Marami ang naniniwala na ang ginawang ito ni Mayor Richard Gomez ay isang pamumulitika gamit ang pondo ng OWWA na mga kontribusyon naman ng mga OFW. Kagawian na kasi ng mga politiko na sila ang nag-aabot ng anumang pondo o pera na ipinamamahagi ng National Government upang sa ganoon ay sa kanila tatanaw ng utang na loob ang sinumang makakatanggap ng perang tulong mula sa gobyerno.

Sa naturang video ay masayang tinanggap ng mga OFW ang tseke at mababanaag na sila ay lubhang nagpapasalamat kay Mayor Gomez, gayong ang P20,000 na kanilang tinanggap ay bahagi ng kanilang kontribusyon sa OWWA bago pa man sila mangibang bansa.

Agad kong ipinarating kay OWWA Administrator Hans Cacdac ang naturang video at sinabi ko sa kanya na iyon ay hindi katanggap-tanggap dahil hindi dapat ipamukha ng OWWA sa sinumang OFW na sila ay binigyan ni Mayor Gomez ng pera para sa kanilang pangkabuhayan gayong ang pondo na ito ay galing mismo sa kontribusyon ng mga OFW.

Kasunod nito ay naglabas din ng mensahe sa Facebook ang isa sa mga OFW advocates at taga-media na si Tirso Paglicawan na ayon sa kanya “This instance is electioneering, a blatant violation of Omnibus Election Code of the Philippines (Batas Pambansa Bilang 881)!”

“This event also is proof of violation of Republic Act 6713 (An act establishing a code of conduct and ethical standards for public officials and employees)!”

“All involved OWWA personnel, specifically the topmost official should be appropriately charged by responsible residents – registered voter/s in the area or any concerned tax – paying Filipino citizens before the Office of the Ombudsman while candidate Richard Gomez should be made to answer before the COMELEC.”

“The cases to be filed before the Ombudsman against erring OWWA personnel are separate and distinct from the administrative charges to be lodged against them at the OWWA central office or Civil Service Commission.”

Ignorance of law excuses no one!”

Ayon naman kay OWWA Administartor Hans Cacdac sa kanyang mensahe sa akin “Doc, magandang gabi po. We are investigating the matter in Ormoc. Meanwhile I will remind OWWA personnel re the rule on electioneering. Nagulat din ako. But at the same time confident din ako na hindi ito standing policy ng OWWA. Hindi ako papayag na gamitin sa pulitika ang OWWA”.

Umaasa ang Bantay OFW at ang buong AKOOFW na seryoso ang gagawing imbestigasyon ng OWWA sa insidenteng ito. At lagi sana nilang aalalahanin na ang mga tauhan ng OWWA ay inatasan lamang na pangalagaan ang kontribusyon ng mga OFW, kung kaya malinaw na hindi dapat na ang pondong aming pinapaingatan sa kanila ay gagamitan pa nila para magmukhang namamalimos sa mga pulitiko ang mga OFW.  (Bantay OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

113

Related posts

Leave a Comment