PUBLIC HOSPITAL AT LIBRENG SCHOOL UNIFORMS SA SILANG

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA wakas, hindi na kailangang magtungo sa ibang bayan o probinsya, o kahit sa Maynila pa, ang mga taga-Silang, Cavite, upang makakuha ng sapat at dekalidad na serbisyong medikal.

Sa patuloy na pangangalaga at malasakit ng kanilang mahal na alkalde na si Atty. Kevin A. Anarna, unti-unti nang makikita ang pagtupad sa kanilang pangarap na magkaroon ng sariling pampublikong ospital.

Bagama’t may ilang hamon at aberya sa proyektong ito dahil sa kakulangan ng pondo, buong tapang at determinasyon pa ring naipakita ni Mayor Anarna ang malasakit sa pamamagitan ng paglalaan ng halagang 100 milyong piso mula sa kaban ng bayan.

Dagdag pa rito, patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na humanap ng iba’t ibang mapagkukunan ng pondo, tulad ng government financial grants at mga pampublikong pribadong partnerships, upang matulungan sila sa pagtatayo ng kanilang ospital.

Higit pa, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaang bayan sa Department of Health (DOH) upang makakuha ng permit para sa konstruksiyon ng ospital. Ito ay isang magandang balita na nagpapakita ng patuloy na suporta at kooperasyon ng lokal na pamahalaan sa mga kinakailangang proseso para sa ganitong proyekto.

Para kay Mayor Kevin, ang pangunahing layunin ay ang pagpapalakas ng sistema ng pangkalusugan, dahil naniniwala siya na “Ang malusog na pamayanan ay susi sa Kaunlaran.”

Sa kanyang liderato at dedikasyon, tiwala tayong magiging maayos at maaasahan ang kanilang pampublikong ospital sa darating na mga panahon.

Sa ganitong mga pagbabago at proyekto, patuloy na pinatutunayan ni Mayor Anarna na ang Silang ay hindi lamang isang bayan, kundi isang komunidad na tunay na nag-aalaga at nagmamalasakit sa bawat isa.

Samantala, isa rin sa mahalagang hakbang ang inanunsyo ng Silang LGU na tiyakin ang kalidad at patas na pagkakataon sa edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral. Sa pagtanggap ng bawat mag-aaral sa pampublikong elementarya ng libreng dalawang pares ng uniporme mula sa lokal na pamahalaan sa darating na pasukan, bukas ang pintuan para sa mas matatag at pantay-pantay na edukasyon sa kanilang bayan.

Ang pagbibigay ng libreng uniporme ay hindi lamang simpleng tulong pinansyal para sa mga pamilya, kundi isa ring pahayag ng commitment ng pamahalaang bayan sa pangangalaga sa edukasyon ng bawat kabataan.

Kaya nga, sa patuloy na pagsisikap at pagtutulungan ng mga opisyal ng LGU, kasama sina Municipal Administrator Jung Anarna, Konsehal Ronnie Isang Bagsak Doneza, Atty. Boying Anarna, dating konsehal Ferdy Amutan, Kapitan Ohmie Toledo, at iba pang kawani ng mga gobyerno, tiwala si Mayor Anarna na patuloy na magbubunga ng positibong pagbabago at pag-unlad ang kanilang bayan.

Sa mga mag-aaral, mga magulang, at mga guro, ito ay isang patunay na ang kanilang pagtitiwala at pakikiisa ay mahalaga sa pag-angat ng Silang.

Patuloy na ipagpatuloy ni Mayor Anarna ang hangarin nitong makamtan ang isang masigla, maunlad, at patas na kinabukasan para sa lahat ng mamamayan ng Silang.

39

Related posts

Leave a Comment