SA SIMPLENG PAGKAKAMALI NG PAO LAWYER, KASO NA-DISMISS

RAPIDO ni PATRICK TULFO

PAANO mababago ang imahe ng Public Attorney’s Office (PAO) kung may mga abogado pa rin na konektado dito na hindi ginagawa nang tama ang kanilang mga trabaho.

Isang halimbawa ang kaso na hawak ng aming programa, kung saan ay pinayuhan namin ang complainant na magsampa na lang kaso dahil wala naman siyang talo.

Ang kaso ay may kinalaman sa lupa at base sa aming imbestigasyon ay mahirap siyang matalo dahil nang ipasukat ang kanyang lupa ay napatunayan na nakain nga ang ilang metro nito ng kanyang kapitbahay.

Pero nagulat kami nang ibalita nito sa amin na dalawang beses daw na-dismiss ang kaso dahil sa teknikalidad.

Nakalimutan daw kasi gumawa ng kanyang PAO lawyer ng case briefing kaya na-dismiss ang kanyang kaso.

Ang dahilan daw ng kanyang abogado sa korte ay marami raw siyang hinahawakan na kaso kaya nakalimutan niya ito.

Mabuti na lang, dahil nga sa na-dismiss ang kaso dahil sa teknikalidad at hindi sa merito, ay pwede pang i-refile ito.

Masamang-masama tuloy ang loob ng complainant dahil siya na nga raw ang naagrabyado, mistulang siya pa ang natalo!

Sayang naman ang effort na ginagawa ni PAO chief, Atty. Persida Acosta na ayusin ang imahe ng kanyang opisina, kung meron pa ring mga abogado na hindi naman dapat nagtratrabaho sa opisinang ito.

Alam naman natin ang impresyon ng mga tao na kapag sa PAO raw bumagsak ang iyong kaso, ay malamang matatalo ito!

175

Related posts

Leave a Comment