BUHAY AT TRABAHO

NG hirap na nang panahon sa ngayon dahil sa kailangan mong magtrabaho para sa ikakabuhay ng pamilya mo subalit nanganganib naman ang buhay mo kapag lumabas ka at nagtrabaho dahil sa COVID-19.

Ito yung mga panahon na kailangan mo na talagang mamili buhay o hanapbuhay. Kapag pinili mo ang buhay at wala ka namang hanapbuhay ganoon din ang kahihinatnan mo at ng iyong pamilya mamatay kayo dahil sa wala kayong perang ipambibili ng makakain.

Ito pa ang pinapangambahan sa ngayon ng iba, dahil sa paglobo ng mga tinamaan ng COVID-19 ay halos lahat nang mga hospital pribado man at pampubliko ay napupuno na ng mga pasyente ng COVID-19 kaya yung mga non-COVID-19 na pasyente ay pahirapan na ring maharap ng mga doktor sa mga ospital.

Gaya na lamang noong Lunes, kung saan ay nakapagtala ang San Lazaro Hospital ng 40 medical frontliners nila ang nahawaan ng COVID-19.

Mismong ang department of health (DOH) ay umamin din na asahan na raw ang paglobo ng kaso ng COVID-19 dahil din daw ito sa resulta ng pagsusuri na ginawa ng 57 mula sa 83 na mga lisensyadong covid laboratories.

Kailangan siguro tingnan na rin ng inter-agency task force on emerging infectious disease kung kailangan bang maibalik sa enhanced community quarantine ang bansa upang mas mapigilan pa ang paglobo ng mga nahawahan ng COVID-19.

                                                                                            oOo
Kahilingan ng ABS-CBN sa Korte Suprema di pa madesisyunan

Bagamat hindi na nairenew o nabigyan ng bagong prangkisa ng kongreso ang ABS-CBN ay wala pa rin naging aksyon o desisyon ang Korte Suprema (KS) sa kahilingan ng kapamilya network na magpalabas ito ng TRO na hahadlang sa inisyung cease and desist order (CDO) na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagpapatigil noong Mayo a singko sa operasyon ng ABS-CBN.

Ayon sa mapagkakatiwaang source ng inyong lingkod sa isinagawang en banc session ng mga mahistrado, napagkasunduan na ipagpaliban na muna o call again ang nasabing kaso ng kapamilya network. Kaya hanggang sa August 4pa ito muling maisasalang sa deliberasyon upang ito’y mapagdesisyunan.

Samantala bukod sa kaso ng kapamilya network ay ipinag-utos rin ng SC EN BANC na pag-isahin na lamang ang lahat ng mga petition na tumututol sa bagong batas na RA 11479 o mas kilala sa tawag na anti-terrorism act of 2020.

Matatandaang umabot na sa walong petisyon ang naisampa sa KS laban sa anti terreorism Act.
At ang pang walong petisyon ay isinampa ng grupong sanlakas na humihiling din sa KS na maideklarang unconstitutional ang bagong pirmadong batas ng pangulong Duterte dahil sa umanoy labag sa karapatang pantao ang ilang probisyon nito.

138

Related posts

Leave a Comment