STATE SPONSORED ANG MGA PATAYAN SA NEGROS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Pinaparatangan ang mga taong nagsasabing ang gobyerno at ang militar ang salarin sa patayan sa Negros na mga supporter ng mga rebolusyonaryong grupo. Ngunit, pulis at militar ang tinuturong salarin ng mismong mga saksi at pamilya ng mga biktima.

Matagal nang tinutuligsa ng human rights defenders sa isla ng Negros ang red-tagging sa kanilang hanay. Bago sila patayin, marami sa mga pinaslang ay pinagbintangan na mi­yembro o lider ng Communist Party of the Philippines, National Democratic Front of the Philippines at ng New People’s Army (CPP-NDF-NPA). May posters na kumalat na may mga mukha nila, may mga direktang pagbabanta sa kanilang buhay, at isinailalim sa surveillance.

Ginawa ang mga pagpatay sa diumano’y police operations, kung saan pinapasok ang bahay ng mga biktima, papatayin, at sinabing ‘nanlaban’. Ganito ang ginawa sa 14 magsasaka sa Canlaon, Negros Occidental, tulad na tulad ng ginagawa sa libu-libong pinaslang na drug suspects.

Ang isa sa pinakahu­ling pinaslang ay si Atty. Anthony Trinidad. Matapos siyang paratangan na supporter ng CPP-NPA, tinambangan si Atty. Trinidad habang siya ang nagmamaneho. Kilala siya bilang matulungin na abogado na nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga mahihirap. Ito ba ang tipong mga tao na tinutu­ring na kaaway ng go­byerno?

Walang malinaw at kapani-paniwalang imbestigasyon ang ginawa ng PNP sa mga madugong patayan sa Negros, na umabot na sa higit 66. Imbes na magkaroon ng operas­yon upang mahuli ang mga gumagawa nito, madali lang nilang sabihin na NPA ang gumawa ng mga pagpatay. Hindi katanggap-tanggap para sa pamilya at mga kaibigan ng mga biktima ang kawalan ng masusing imbestigasyon at hustisya sa pagpaslang.

Mariin ding tinutuligsa ng Bayan Muna ang posibilidad ng pagpataw ng Martial Law sa isla ng Negros. Lalo lang nitong palalalain ang sitwasyon ng karapatang pantao sa isla kung bibigyan pa ng mas malaking kapangyarihan ang mga pulis at militar, tulad ng ginagawa nila sa Mindanao. (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

201

Related posts

Leave a Comment