SUPORTA NI SEN. PADILLA SA AICS PROGRAM AT HOUSE BILL RA 10586 NI CONG. YAMSUAN

TARGET NI KA REX CAYANONG

HINDI maitatanggi na bagito pang maituturing bilang mambabatas si Sen. Robinhood Padilla.

Ngunit taal ang ginagawa niyang pagtulong at pagseserbisyo sa bayan.

Si Padilla ay masasabing totoong public servant.

Alam niya ang pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan.

Iginiit naman ni Padilla na higit pa sa pagiging “keyboard warrior”, mas kinakailangan ng bansa, partikular ng kabataan ang kakayahan, disiplina at kahandaan na nakukuha sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Program upang ipagtanggol ang bayan.

Lahat ng mga programa para sa mga nangangailangan ay sinusuportahan niya.

Sa tulong naman ng Department of Social Welfare and Development, nagpamahagi sa ating mga kababayan ng tulong pinansyal sa Mountain Province sa pamamagitan ng kanilang AICS Program.

“Walang sawang pasasalamat po sa DSWD. Tunay po kayong maaasahan,” sabi ng masipag na senador.

Samantala, isinusulong naman ni Bicol Saro Representative Cong. Brian Yamsuan ang maigting na pagpapatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act (RA 10586).

Nais niyang magkaroon ng dagdag na deputized officers na nanghuhuli ng mga lasing o naka-drogang tsuper.

Naka-angkla ito sa itinutulak niyang HB 7968 bilang pagpapabuti ng RA 10586.

“It was declared the policy of the State to ensure road safety through the observance of the citizenry of responsible and ethical driving standards which gave rise to Republic Act No. 10586 otherwise known as the Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013,” saad sa explanatory note ng panukala nina Yamsuan at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.

Para nga sa kongresista, hindi naging epektibo ang RA 10586 dahil kulang ang mga enforcer na nagpapatupad nito.

Kaya naman, hinikayat niya ang Land Transportation Office (LTO) na mag-deputize ng mga piling tauhan ng Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan na huhuli sa mga lasing at adik na drayber.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

67

Related posts

Leave a Comment