THE ART DISTRICT ESCOLTA

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

ANG Heartworks at Directions IV Art Exhibits sa Puso ng “The Art District Escolta” ang nagpapatunay na buhay na buhay pa rin ang ating mga artist sa kanilang malikhaing obra na naglalarawan sa buhay ng tao. At muli, nagsama-sama sila upang makatulong sa mga kapus-palad na mga kababayan natin.

Ang Heartworks ang kauna-unahang ginanap sa The Art District Tab Gallery museum kasabay ng inagurasyon nito. Ito ang ikaapat na solo Exhibit ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto.

Ang may-ari ng gallery na si John Lucas Nieto na Manlilikha ng Sining, at Curator Vice Mayor Yul Servo Nieto, at ang lahat ng mga kalahok ay may magandang kaisipan na magkakatulad, ito ay pagmamahal sa sining at may mahabagin puso. Itinuturing din itong “pay – it – forward” mindset.

Ano pa nga ba ang mas magandang paraan upang ipagdiwang nang magkasabay sa buwan ng mga puso ang Pambansang Sining at pag-ibig kung hindi ang pagmamahal sa isang layunin na makatulong sa kapwa.

Bahagi ng makakalap sa exhibit ay ido-donate sa Circle of Hope livelihood program para sa mga maralitang ina na may anak na may kanser, at pagpapatayo ng simbahan.

Ang mga kalahok na pintor sa Heartworks ay sina Alton Barrameda, Ambhet Lugtu, Arleen Lipana, Arvin Rabot , Bobit Segismundo, Daisy Sta. Cruz, Ismael Esber, Jhomar Lim, Presila Dimaano at Vicky Uy.

Ang mga gawang itinatampok sa exhibit ay sumasaklaw sa hanay ng estilo, bawat isa ay may natatanging sariling kagandahan.

Ang exhibition ay tatagal mula Pebrero 19 hanggang Marso 16, Lunes hanggang Sabado sa Art District Gallery Room 205 sa Calvo Bldg., Escolta St., City of Manila.

50

Related posts

Leave a Comment