Panahon na ang total revamp sa National Bilibid Prison (NBP) dahil sa mga natuklasang matinding anomalya sa ahensiya kung saan halos lahat ng mga kalokohan at kabulastugan ay involved ang mga tiwaling tauhan at opisyal nito.
Sa aking analysis, hindi lamang panahon ni President Rodrigo Duterte ang nangyayaring anomalya sa loob ng Bilibid sa buong bansa, kundi noong panahon pa ng mga nagdaang pangulo ay marami nang kawalanghiyaan at pinagkakakitaan ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).
Taong 2013 nang isabatas ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa pamamagitan ng Republic Act. No. 10592 kung saan binibigyan ng privilege ang isang bilanggo na makalaya nang mas maaga basta magpakita lamang ito ng good behavior sa loob ng kulungan. Ngunit matagal na palang pinagsasamantalahan ng mga tiwaling tauhan ng BuCor ang nasabing batas dahil nakapagpapalaya sila ng mga high profile inmate na may mga kasong heinous crime tulad ng kidnapping, murder, rape, drug trafficking na malinaw sa batas na hindi kasali sa maaaring mapalaya nang mas maaga dahil sa GCTA Law.
Nabunyag ang mga pagpapalaya sa mga heinous crime convict nang mapabalita ang nakatakdang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na hinatulan ng pitong life imprisonment.
Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa natuklasang anomalya sa NPB, pinagkakakitaan pala nang husto ng mga opisyal ng BuCor ang lahat ng kaganapan sa loob ng bilangguan. Kabila rito ang kontrata sa pagkain ng mga preso, conjugal visit, pagpasok ng mga bisita o dalaw, konsiyerto, hospital pass for sale na umaabot sa P2 milyon para lamang ma-confine sa hospital. Bukod pa rito ay may P30,000 na bayad araw-araw sa board and lodging, pagpapalabas sa mga convict na may mga kasong heinous crime na ginagamit sa mga panghoholdap sa mga bangko, pakikipagkutsabahan sa mga drug lord na magpatakbo ng kanilang drug trade sa loob ng NBP at maging sa labas.
Ayon kay Senador Richard Gordon, mistulang ginawa nang palengke ang NBP dahil maaari ka nang mamili o mamili ng gusto mong gawin tulad ng pagbili ng “tilapia” droga at nilamon na umano ang NBP ng sistema na umiiral sa loob ng bilangguan.
Kay Pangulong Rodrigo Duterte, ikaw na mismo ang may sabi na walang puwang sa gobyerno mo ang mga opisyal na may patong sa katiwalian kaya dapat kalusin mo na sila, Mr President. Abangan!
oOo
Ugaliing manood sa aking Live Program na Latigo ni Batuigas sa aming Official Facebook Page: Latigo News TV at Mag-subscribe sa aming Youtube Channel: Latigo Online Nationwide News TV! Maraming Salamat po! (Hagupit ni Batuigas / MARIO B. BATUIGAS)
193