TULONG PARA SA MGA MAGSASAKA MULA KAY CONG. ODIE TARRIELA

TARGET ni KA REX CAYANONG

PINANGUNAHAN kamakailan ni Cong. Odie Tarriela, kasama ang Department of Agriculture (DA)-MIMAROPA, ang pamamahagi ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Kasama sa programa ang mga dating opisyal tulad nina Vice Gov. Peter Alfaro, Bokal Ryan Sioson, Bokal Mangyan Masangkay, dating Bokal Nestor Tria, Mayor Lyn Tria ng Mamburao, at iba pang mga lokal na opisyal.

Layunin ng RFFA Program na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga magsasaka upang matulungan sila sa kanilang pangangailangan tulad ng abono, binhi, at iba pang kagamitan sa pagsasaka.

Aba, kamakailan din, ipinamahagi rin ni Cong. Tarriela, kasama ang DA MIMAROPA, ang RFFA sa bayan ng Santa Cruz.

Sinasabing kasama sa programa sina Bokal Sioson, Bokal Masangkay, dating Bokal Tria, Mayor Ernie Torreliza ng Santa Cruz, at iba pang local officials.

Samantala, isa rin sa mga prayoridad ni Cong. Tarriela ang pag-aayos ng mga kalsada sa probinsya upang tiyakin ang ligtas at maayos na transportasyon.

Noong March 15, 2024, pinangunahan ni Cong. Tarriela, kasama ang DPWH Occidental Mindoro DEO, ang groundbreaking ceremony para simulan ang pagsasaayos ng kalsada sa Barangay Purnaga, Magsaysay.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P19,000 milyon at pinondohan sa ilalim ng Congressional Infrastructure Budget allocation ni Cong. Odie para sa taong 2024.

Nabatid na kasama sa programa sina Magsaysay Mayor Junjun Tria, Bokal Coco Mendiola, Bokal Alex del Valle, dating Bokal Rod Agas, DPWH DEO, at iba pang mga opisyal ng LGU.

Ito ay patunay na ang bawat piso ng buwis na binabayad ng mamamayan ay napupunta sa tamang serbisyo at pagpapaunlad ng komunidad.

Ang kanilang pakikisama at suporta ay nagpapakita ng pagkakaisa sa layuning ito na hindi lamang para sa ngayon kundi pati na rin para sa hinaharap ng probinsya.

Sa pagtutulungan at pagkakaisa, tiwala tayong magtatagumpay sa pagpapabuti ng mga imprastruktura sa lalawigan.

Ang pagsasaayos ng kalsada ay isang hamon na may malaking bunga sa pag-unlad at pag-angat ng mga komunidad.

Kaya naman, sama-samang suportahan at pasalamatan ang mga lider, tulad ni Cong. Tarriela, na patuloy na nagsusulong ng ganitong mga proyekto para sa kabutihan ng bawat isa.

44

Related posts

Leave a Comment