NPA LEADER, 3 PA HULI SA POLICE KILLINGS

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police-Police Regional Office 5 ang isang kilabot na communist terrorist group leader na sinasabing sangkot sa pananalakay at pagpatay sa limang pulis, sa isinagawang law enforcement operation sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay PNP-PRO5 Director P/BGeneral Andre Dizon, nahuli sa inilatag na bitag ng Albay PNP ang suspek na si Reynaldo Togado Hugo, kilala sa mga alyas na “Rcicielo, Yulo, Adel, Evan, Bermas, Aster, Julian, Pitoy, Alex, Bitoy,” 61-anyos.

Si Hugo ay sinasabing pinuno ng Communist Terrorist Group (CTG) na sangkot sa pag-atake sa isang detachment ng Camarines Norte Police Provincial Office noong Marso 21, 2019 kung saan napatay ang limang pulis sa Labo, Camarines Norte.

Sa hawak na datos ni Albay Provincial Office Director P/Col. Julius Anoñuevo, si Hugo ay commanding officer ng Regional Operational Command Bicol Regional Party Committee at EXECOM Member ng National Operational Command ng Communist Party of the Philippines.

Ayon sa ulat ni Col. Anoñuevo kay BGen. Dizon, sa tulong ng impormante at hawak na warrant of arrest, ikinasa ang law enforcement operation laban sa suspek sa pamamagitan ng paglalatag ng checkpoint sa tapat ng Motorist Assistance Center sa Brgy. Matacon, Polangui.

Tinangka pang tumakas ng target subalit nasukol ito sa Brgy. Balangibang, Polangui, sa Albay at dinakip kasama ang tatlong iba pa na lulan ng nasabat na Toyota Avanza (VFK 563) na kinilalang sina alyas “Bryan”, “Jeane” at “Vanessa”.

Nakumpiska sa loob ng sasakyan ng suspek ang isang loaded na M16, kalibre .45 na baril na kargado ng limang bala at isang fragmentation hand grenade.

“Hugo faces multiple charges, including murder under CC No. 14552 dated August 23, 2019, with no bail recommended. He is also charged with direct assault and two counts of frustrated murder under CC Nos. 2021-4080 and 2021-4082 dated August 6, 2021, with a recommended bail of PhP200,000.00 for each case. Additionally, on the same day of his arrest, another warrant for five counts of direct assault with murder dated January 26, 2024, was served against him by personnel of CIDG Albay PFU,” ayon sa Kasurog Cops PIO. Col Malou Calubaquib.

(JESSE KABEL RUIZ)

60

Related posts

Leave a Comment