PUWEDE KO NANG IWAN ANG MUSIC SCENE – OGIE ALCASID

ogie a

SAKSI AKO copy(NI KC GUERERRO)

“PUWEDE ko nang iwan ang music scene,” sey ni Ogie Alcasid nang makatalamitam ng inyong lingkod sa fave resto, my dear editor BenThought.

Nasabi  ito ng bida sa Kuya Wes dahil sobrang happy siya sa sigla ng OPM ngayon. Si Ogie ang kasalukuyang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit.

“Pinoys are listening to OPM music. Nakatutuwa. May JK, may Moira, bagets/millenials are into Ben & Ben, etc,” masayang kuwento ng UP Diliman batchmate namin, BenThought.

Mas sobra ang tuwa ni Ogie dahil ang leading lady niya sa pelikulang Kuya Wes na si Ina Raymundo ay nanalo ng kanyang 1st international best actress award niya sa Fantasporto Film Festival sa Portugal.

“Pakibanggit. Sobrang salamat sa  ambassador natin na si Ambassador Celia Feria sa Portugal. Present siya sa Festival. She’s very supportive,” dagdag pa ni Ogie Da Pogi.

Walang hinayang o inggit na nararamdaman si Ogie sa panalo ng co-stars niya like Dante Rivero na Best Actor din sa Fantasporto.

“In God’s time ibibigay din ng Lord sa akin,” sey pa ni Ogie.

# # #

Si Ina Raymundo ay hinayang na hinayang at hindi siya present to receive her first international Best Actress award.

Multi-awarded na si Ina locally.

First Urian Best Actress Award niya ay sa Jeffrey Jeturian’s Tuhog kung saan nakasama niya sina Jaclyn Jose at Dante Rivero.

Invited naman si Ina sa Fantasporto Film Festival pero priority niya ang Siargao vacation ng mga children niya na hirap kumuha ng booking at ‘yun lang ang availability nila dahil off sila sa school.

“Walang makuhang dates ang mga children ko for their vacation kaya mas pinili kong maka-bonding ang mga children ko sa Siargao. At hindi ko talaga expected na manalo ako,” kuwento ni Ina.

 

 

 

 

69

Related posts

Leave a Comment