WEST POINT PUGAD NG SUGAROL AT ADIK; LABAN-BAWI MEMO NG DOTR, IKINALITO

Misyon Aksyon

SALUDO talaga ako sa taga-Metropolitan Manila Development?Authority (MMDA).

Mantakin ninyong ang color game sa Pinatubo sa Cubao ay kanilang winalis at ang mga lamesa ay ikinarga sa trak kaya ‘yong mga mananaya ay nagulantang. Kaya sa mga gumawa nito ay naniniwala ako na kung ano ang puno ay siyang bunga dahil sa ang kanilang boss na si Chairman Danilo Lim ay talagang malinis kung magserbisyo.

Makailang beses ko nang nakaharap noon si Lim  at kapag kausap mo siya ay napaka-low profile, magiliw kung makipagkuwentuhan.?Makikita mo rin siya kung paano siya makiharap sa kanyang mga kaibigan at tauhan. Kaya ang kanyang hinahawakang?ahensiya ay isa sa pinaka-aktibo pagdating sa mga nakahambalang na mga istraktura sa kalsada rito sa Metro Manila. Kaya ang resulta ay malinis ang mga bangketa. Sana pinasadahan na rin ng mga tauhan po ninyo ang kanto ng West Point na siyang pugad ng mga adik at sugarol dahil sa ang balita ko napakalakas ng mga bumabak-ap na alyas “Roy A” na siyang may hawak ng nasabing color game, ang kanilang financer na alyas “Rodel Macalibog” at “Nilo” na umano’y malaki ang para­ting na binibigay sa Station 7.

oOo

To the rescue naman si Land Transportation Office (LTO) Asec. Edgar Galvante sa isinagawang Public Consultation na ginanap sa tanggapan ng Department of Transportation (DOTr) sa Clark Airbase Pampanga. Kahit na-bypass siya ng matitikas na opisyal ng DOTr makaraang ipatawag ang mga LTO Regional Director sa pampublikong konsultasyon. Ito ay hinggil sa department order 2012-10 at sa rek­lamo sa bagong memorandum ng DOTr na nag-oobliga na kumuha ng certification of authorization at dalhin ang original OR/CR sa mga sasakyan na wala pang plaka. Kabilang dito ang iba’t ibang reklamo alinsunod sa bagong sirkular na ipinapatupad ng DOTr. Sa mga Private Emission Testing Center (PETC) owners/stakeholders.

Halos humigit kumulang 600 PETC stakeholders ang nagsidalo pero ang pinapasok ay mga 50 lamang katao kaya nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kaya ang public consultation ay umabot lamang ng dalawang oras kung kaya ang mga stakeholders ay nalito kung sino talaga ang dapat sundin.

Tinatawagan:?Pangulong Rodrigo Roa Duterte at DOTr Sec. Athur Tugade. Mga sir, sana po bago magpalabas ng memo o sirkular mula sa inyong tanggapan ay masusi muna ninyong pag-aralan ito dahil malaki po ang napipinsala hindi lamang abala at gastos ang inabot ng bawat panig. Mabuti na lamang po ang inyong tanggapan ay mula sa kaban ng bayan ang perang ginagastos, samantalang si Juan dela Cruz ay sa sari­ling bulsa at bago ka makarating sa bawat LTO office sa Metro Manila ay aabutin ka pa ng siyam-siyam.

Gaya po sa mga ipinalabas ninyong mga sirkular o memo mula noong January hanggang buwan ng Mayo talaga namang hindi malaman kung sino ang susundin. Mabuti na lamang may isang Asec. Galvante na may kaalaman at malasakit sa publiko. Mga sir, pakipasadahan naman ng inyong mga mata bago po kayo pumirma sa memo kasi kawawa po ang publiko.

At NCRPO chief PGen Guillermo Eleazar at Que­zon City DPOS (Department of Public Order and Safety) Chief Elmo San Diego, mga sir, pakipasadahan naman ang West Point sa may Cubao area, pugad daw po ng mga adik at sugarol ang isang color game roon. (Misyon Aksyon / ARNEL PETIL)

131

Related posts

Leave a Comment