WORLD WAR III NALALAPIT NA NGA BA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO

HUDYAT na kaya na magkakaroon ng World War III ang patuloy na pagdami ng mga bansa sa buong mundo na nagkakaroon ng giyera.

Hindi pa man natatapos ang sigalot sa pagitan ng Hamas sa Gaza at Israel ay muli na namang napipinto ang giyera ng Israel laban sa Iran.

Kamakailan ay pinaulanan ng mga raket ng Iran ang tinaguriang Holy Land na kung tawagin sa Biblia ay chosen people.

Base sa ating natanggap na impormasyon, ang dahilan ng pambobomba ng Iran sa Israel ay ang ginawang pambobomba sa embahada ng Iran sa Syria.

Sinasabi ng Iran na ang may kagagawan ng pambobomba sa embahada ng Iran sa Syria ay ang Israel na ikinamatay ng ilan nilang mga opisyal.

Nagsalita ang ilang opisyal ng civilian at militar ng Israel na gaganti sila at papanagutin nila ang bansang Iran.

Ang Iran ay kilalang sumusuporta sa Hamas at Hezbollah na tinaguriang teroristang grupo na galit sa bansang Israel.

Nariyan din ang ISIS at Al Qaeda terrorist group na pinamumunuan ni Osama Bin Laden, na naghasik ng lagim sa Estados Unidos noong Setyembre 11, 2001.

Nag-ugat ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas ng Gaza matapos pasukin ng teroristang grupo ang bansang Israel kung saan daan-daang residente ng Holy Land ang binihag ng mga ito na ikinamatay ng libo katao at ikinasugat ng iba pa.

Muling nanariwa sa mga Hudyo ang kanilang malagim na karanasan sa ilalim ng rehimeng Hitler ng Germany na ikinamatay ng mahigit sa anim na milyong bata at matatandang Israelitas.

Ang pangyayaring ito ay ayaw nang maulit pa ng taga-Israel kaya kahit sinomang mangahas na manggugulo sa kanilang sa bansa lalo na kung ikinamatay ng kanilang mga kababayan, ay kanila itong gagantihan, tulad ng mapangahas na pambobomba ng Iran sa Israel kamakailan, hindi ito palalagpasin.

Samantala, hindi pa rin nareresolba ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine at nagbabadya rin ang alitan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ang Iran at China ay kilalang kaalyado ng Russia, kakampi naman ng Estados Unidos ang Pilipinas, Israel at Ukraine.

Kilala ring sinusuportahan ng Amerika ang Taiwan na sinasabi ng China na sakop nila ito, sapagkat isa lamang nila itong probinsiya na hindi tinatanggap ng pamunuan ng Taiwan.

Sa mga iringan na ito ng nabanggit na mga bansa, ito na kaya ang pagmumulan ng kinatatakutang World War III?

‘Wag naman sana dahil sa makabagong malalakas na mga armas militar ngayon ng mga bansa, ay posibleng kaunting tao na lamang ang matira sa ibabaw ng mundo.

oOo

Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

46

Related posts

Leave a Comment