YORME ISKO, DAPAT TULARAN

Sa Ganang Akin

Noong isang linggo ay naanyayahan akong du­malo sa Pilipinas Conference at ang kanilang paksa para sa araw na iyon ay Environmental Stewardship.

Marami ang dumalo sa nasabing forum na isinagawa ng Stratbase, at marami rin ang mga iba’t ibang paksang napag-usapan, kasama na rin dito ang tungkol sa sustainability.

Isa sa mga dumalo rito ay ang kalihim ng DENR na si Roy Cimatu na siyang nagbukas ng programa at nagdala ng usapan para sa okasyon.

Laking tuwa ko nang makita ko si Manila “Yorme” Isko Moreno na siyang nagsalita sa forum kung saan ipinaalam niya sa amin na mayroon siyang malinaw na direksyon sa kanyang pamumuno. Kasama rito ang kanyang pagiging makatao lalo na sa kanyang pamamahala sa lungsod at pag-obserba sa sustainability at environmental stewardship.

Ang kanyang estilo sa pamumuno na talagang hinahangaan ko ay kanyang nailarawan sa pamamagitan ng linyang ito: “You have to respect contracts even if it emanated from a predecessor.” Kaniyang sinusunod ito kahit na hindi siya sumasang-ayon sa kontratang ito.

Swak na swak si Yorme para sa paksa ng forum na ito dahil sa kanyang mga nagawa sa lungsod sa loob pa lamang ng limang buwan ng panunungkulan. Nais niya ngayong tututukan ang Arroceros Park, ang kahuli-hulihang lugar na magubat sa lungsod, upang ito ay makilala bilang isang “green city.”

Sa mga unang araw ng kanyang panunungkulan ay kaniyang binalaan ang mga tatamad-tamad na mga empleyado ng city hall na hindi niya kukunsintihin ang red tape.

Sana ay tuluyang magtagumpay si Yorme sa pamamalakad sa Maynila. Sana rin ay marami ang sumunod sa kanyang magandang halimbawa. Ating nakikita at nararanasan ngayon ang isang Golden Age ng lokal na namumuno. Atin silang suportahan at sa ating munting pang-araw-araw na gawain ay kumilos para sa environmental stewardship. (Sa Ganang Akin / Joe Zaldarriaga)

169

Related posts

Leave a Comment