OUTDOOR EXERCISE BAN SA METRO MANILA

NAKIUSAP si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos sa publiko na pagbigyan ang 10 days “no outdoor exercise” sa Metro Manila.

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Abalos na layon nito na ingatan ang mga bata habang patuloy na tumataas ang kaso ng Delta variant.

Bukod pa sa maiiwasan din ang pang-aabuso mula sa mga taong wala namang ginagawa sa labas ng bahay kundi ang mag-chismisan lang.

Tiniyak naman ni Abalos na matapos ang 10 araw at na-review na ng Metro Manila mayors ang bagay na ito ay posibleng ibalik na ang outdoor exercise.

‘Gusto ko lang ipaliwanag itong isyu tungkol sa exercise. Alam ninyo kasi, pinapayagan talaga ang exercise sa labas ng bahay between 6 to 9. Pero nag-usap-usap ang mga mayor. As we are talking right now, ang kaso dati po sa Kalakhang Maynila ay humigit-kumulang siguro po hindi po kami lumalagpas sa 6,000. We haven’t breached the 6,000 active cases. Im talking on the total active cases. Pero nagulat kami in one day biglang naging 8,005 at ngayon we are nearing 16,000. 15,900 plus noh? Closed to 16,000. Imadyinin mo from 5,000 to 16,000,” ayon kay Abalos.

Pangalawa aniya, napaka-contagious ng Delta variant. “At pangatlo, nasabi po ni Dr. Vega na ang atin pong ospital ay in moderate risk at mayroong iba ay critical risk na ICU in Metro Manila,” dagdag pa ni Abalos.

Napag-usapan naman aniya ng mga mayor na after 10 days at gumanda na ang sitwasyon ay tatanggalin na itong exercise ban na ito.

Samantala, sinabi ni Abalos na hindi talaga niya pinuntahan ang lungsod ng Maynila matapos dumugin ng tao isang araw bago ipatupad ang ECQ sa National Capital Region (NCR).

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Abalos na hindi talaga niya nabisita ang vaccination sites sa Maynila dahil matapos aniya ang insidente ng pagdumog ng tao bago pa mag-ECQ ay wala nang bakuna sa Maynila.

“Hindi ko lang ho napuntahan iyong Maynila dahil ang Manila the following day pagkatapos ay nagkagulo rin ay wala po silang bakuna dahil nga inaantay po itong Certificate of Analysis ng Sinovac. Sinabi naman po ni Sec. Vince (Dizon) ‘yon kaya sarado po iyong sa Maynila,” paliwanag ni Abalos. (CHRISTIAN DALE)

156

Related posts

Leave a Comment