IMINUNGKAHI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga indibidwal na hindi pa bakunado na manatili sa kanilang bahay.
“‘Yong mga tao na walang bakuna, my suggestion is do not go out of the house until there is a facility where you can go to to have your vaccines,” ayon sa pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng pangulo sa mga barangay official na pagsabihan ang unvaccinated residents na manatili sa kanilang bahay.
Sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez na ang COVID-19 vaccine supply ng Pilipinas ay kapos ng 46 million doses.
Ang mahabang pila ay napaulat sa iba’t ibang COVID-19 vaccination sites sa Metro Manila bago pa ipatupad ang ECQ noong Agosto 6.
Nauna rito, iginiit ng Malakanyang na huwag isisi sa naging pahayag ni Pangulong Duterte ang pagdagsa ng mga nais magpabakuna.
“May mga nasabi bagamat walang pangalan, binanggit na nag-trigger ng panic sa mga vaccination sites noong nakaraang linggo,” saad ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing.
Paliwanag nito na Hulyo 28 pa nang mabanggit ito ng pangulo at kamakailan lamang naganap ang pagdagsa sa mga tao sa mga vaccination site. (CHRISTIAN DALE)
174 