(NI HARVEY PEREZ)
MAS mataas ngayon natapos na midterm election ang voters turnout ng Overseas Voters.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Office for Overseas Voting (OFOV) Director Elaiza David na nasa 334,242 ang bumoto para sa overseas voting o 18.34 percent ang voter turnout.
Ito umano ay mas mataas sa 15.63 percent noong 2013 midterm elections kung saan nalaman na ang kabuuang bilang ng registered overseas absentee voters para sa May 13 elections ay 1,822,173.
Magugunita na sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na kumpiyansa silang magiging mas mataas nang kaunti ang turnout sa overseas voting ngayong taon.
Habang mas mababa naman ang voter turnout ngayong 2019 kumpara sa nagdaang presidential elections noong 2004 na may 64 percent, 2010 na may 26 percent, at 2016 na may 31 percent.
150