(Ni JOMAR OPERARIO)
Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA ang isang ‘package shipped’ sa pamamagitan ng FedEx mula sa Arkansas, USA na naglalaman ng USD 12,000 na nakalagay sa box ng cellphone nitong nakaraang Hulyo 31, 2019.
Ayon sa report, ang nasabing padala ay isang ‘undeclared foreign currency’ na nakabalot umano sa aluminum foil na sinadyang itinago para makalusot mula sa paghalughog ng mga tauhan ng Customs.
Ito’y isang malinaw na paglabag sa Section 1400 na may kaugnayan sa Section 1113 ng CMTA.
Ini-refer na ang kaso sa BOC Legal Service/ BATAS para sa kaukulang imbestigasyon at determinasyon kung may sapat na basehan para sampahan ng kasong kriminal ang consignee at ang licensed Customs broker bilang paglabag sa Section 1401 ng CMTA.
Kaugnay nito, pinaalalahanan na rin ang publiko na mag-ingat sa ganitong klase ng panlilinlang at sumunod sa BSP Manual of Foreign Exchange Transaction na kailangang magdeklara ng tama at sundin ang Foreign Currency Declaration forms para sa importation and exportation of foreign exchange currency na hindi lalagpas sa USD10,000 halaga.
112