Pinangunahan ng Bureau of Customs-Public Information and Assistance Division (BOC-PIAD), ang ‘3-Day Media Workshop’ na dinaluhan ng lahat ng local information officers sa buong bansa.
Layunin nito, para magkaroon ng komprehensibo at maabot ang malalayong lugar na mailapit sa Bureau ang publiko sa pamamagitan ng lahat ng local information officers sa bansa.
Ang three-day media workshop ay nagsimula noong ika-24 ng Hulyo 2019, na ang pangunahing tinalakay ay ang history ng Bureau, para makatulong sa information officers kung papaano nila isulat ang ‘basics of news writing’ hindi lamang sa print at broadcast kundi maging sa social media rin.
May mga karanasan at professional media personalities ang naging resource speakers sa nasabing workshop na may iba’t ibang modules tulad ng basic news story development, handling and responding to interviews and PR crisis, at iba pa.
“After this media workshop, we expect to have a nationwide network of trained information officers in the Bureau’s 17 collection district offices, sub-ports and other BOC operating groups,” ayon kay Assistant Commissioner Jet Maronilla, na siya ngayong Bureau’s spokesperson, na naghatid ng kanyang opening remarks sa Hotel Jen Manila, Pasay City.
Kasabay nito, hinikayat naman ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang mga dumalo na maghatid ng good news kaugnay sa ahensya at maghatid ng magandang balita sa publiko partikular ang ginagawang pagbabago ng BOC ngayon.
Pinaalalahanan din ng Customs chief, ang mga dumalo na maging tapat sa kanilang sinumpaan bilang mga lingkod bayan.
Sinabi pa niya na ang natamong tagumpay ng BOC sa loob ng anim na buwan na kanyang panunungkulan ay mababalewala kung magpapatuloy ang korapsyon sa Bureau.
“I have been consistent in my policy against graft and corruption since day one of my term as Commissioner, I have never been remiss in reminding BOC personnel to shun corruption, live simple lives, follow rules and to conduct themselves with utmost propriety and integrity,” banggit pa ni Commissioner Guerrero sa kanyang closing remarks sa huling araw ng Media Workshop.
Kaugnay nito, pinuri naman ni Guerrero ang PIAD sa pag-organisa ng nasabing training.
Binati rin niya, ang mga dumalo sa kanilang naging matagumpay na 3-day workshop na pinaniniwalaang magiging daan para maibalik ang tiwala at respeto ng publiko sa BOC. (Jo Calim)
