P.7-M shabu nakumpiska NEGOSYANTE, APAT PA HULI SA DROGA

DRUGS TAGUIG

UMAABOT sa mahigit  P700,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na operasyon laban sa  isang negosyante at apat na iba pa na naaresto sa loob ng isang apartelle sa Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Eduardo Javier, 26, tindero ng prutas; Ed Vergel Luna, 38; Joyce Ann Pascual, 20 at Armando Jaso Jaso Jr., 41, pawang walang mga hanap buhay.

Naaresto ang mga suspek sa buy-bust operation sa  Room  No. 7B Aga Apartel sa 23 Martilyo St., Midtown Subdivision, Barangay San Roque.

Nakumpiska sa apat ang 21 plastic sachets na naglalaman umano ng shabu na may timbang na 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000 makaraang kumagat sa inilunsad na anti-drug operation pasado ala-1:00.

Samantala nakumpiska naman sa negosyanteng si Norrel Inocencio, 58,  ang may 10 gramo  ng shabu na may street value na  P68,000, nang ipatupad ang search warrant sa No.15 Santisimo St., Barangay Sto. Niño.

Nasa kustodiya na ng pulisya sa nasabing lungsod ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang mga kakaharaping kaso na  paglabag sa RA 9165. NICK ECHAVARRIA

 

447

Related posts

Leave a Comment