P1.2-B AYUDA SA MAGIGING JOBLESS SA COVID-19

NASA PHp1.2 Billion ang inilaan ng Social Security System para sa mga manggagawa na posibleng maapektuhan ng nararanasang COVID-19 scare sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas.

Inihayag ng pamunuan ng SSS na may nakahandang P1.2 bilyon na maaaring ipagkaloob bilang ‘unemployment benefits’ bunsod ng malaking posibilidad na maraming manggagawa ang mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Nabatid na maaaring makatanggap ng aabot sa Php11,000 ang mga empleyado na maapektuhan ng nasabing sakit.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sakaling umabot sa 60,000 manggagawa ang mawalan ng trabaho dahil sa COVID -19 ay handa ang SSS na maglabas agad ng P660 milyon.

Sakaling mag-apply ang mga miyembro ng maximum cash benefit na umaabot sa P20,000, posibleng umabot ang halaga na maaaring ilabas ng SSS sa P1.2 bilyon.

Base sa pag aaral, kung tatagal ang COVID-19 crisis hanggang sa Hunyo ay tinatayang nasa 30,000 hanggang 60,000 manggagawa ang maaring mawalan ng trabaho bunga ng mga gagawing hakbang ng mga kumpanya para maibsan ang kanilang pagkalugi. JESSE KABEL

120

Related posts

Leave a Comment