P15-M SHABU MULA MALAYSIA, NASABAT SA NAIA

TINATAYANG P15,640,000 halaga ng illegal drugs ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-IADITG PDEA sa FedEx warehouse sa International Cargo sa NAIA, na laman ng dalawang parcel mula sa Malaysia.

Unang nasabat ng mga operatiba ang isang parcel na idineklarang mga damit mula sa nagngangalang Alam Persiaran Dato Menteri, ng Sec. 14, Shah Alam, Malaysia, na ang consignee ay isang Edmar Blay ng SJV, Blk. 10, Lot. 22, Brgy. Langgam, San Pedro, Laguna.

Habang ang pangalawang parcel naman ay mula sa kaparehong sender na ang consignee naman ay si Janete Acapulco ng Sta. Clara, Macsor Site, sa Batangas.

Natuklasan ng Customs at PDEA na ilegal na droga ang laman ng dalawang parcel na nakatago sa mga damit, nang dumaan sa x-ray inspection at physical examination ng Customs NAIA at PDEA.

Ang nasabat na shabu ay pormal nang nai-turnover ng Customs sa PDEA NAIA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon. (DAVE MEDINA)

329

Related posts

Leave a Comment