MAY isang pagkakataong umabot diumano sa P174 bilyong piso ang nawala sa PhilHealth dahil sa misused of funds.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng kontrobersiya sa kasalukuyan sa ahensiya bunsod ng isyu ng katiwalian.
Ani Sec. Roque, batay sa impormasyong nakuha niya sa kanyang source, umabot sa gayung multi bilyong pisong anomalya ang naganap sa PhilHealth partikular nuong Wellmed scam.
Ito aniya ang iregularidad kung saan sinasabing talamak ang bogus benefit claims gamit ang mga non-existent kidney treatments.
Samantala, naniniwala naman si Sec. Roque na ang P15 bilyong pisong diumano’y napunta sa mafia na isiniwalat ni dating PhilHealth Anti-Fraud Investigator Atty. Thorsson Montes Keith ay may
katotohanan.
Bukod aniya sa crucial ang naging papel nito bilang anti fraud investigator, hindi lang naman si Atty. Keith ang nagsabing may gayong klase ng iregularidad na tumataginting sa P15 bilyong piso.
(CHRISTIAN DALE)
