P36-M GIANT CLAMS NASABAT NG COAST GUARD

TINATAYANG may P36 milyon ang halaga ng giant clam na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa ikinasang entrapment operation sa Daanbantayan, Cebu.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, 12 katao ang inaresto matapos makumpiskahan ng 133 piraso ng broken giant clam shells o taklobo sa naturang bayan.

Una rito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Coast Guard Intelligence Group Central Visayas, Criminal Investigation Group at Philippine Air Force laban sa mga suspek.

Agad namang ipinasa ang mga nakumpiskang giant clam sa Bureau of Fisheries and Aquatic resources sa Tapilon Port sa Daanbantayan. (JESSE KABEL)

219

Related posts

Leave a Comment