P445-M ni-release ng ahensya DRIVERS, OPERATORS SA ‘LIBRENG SAKAY’ BAYAD NA – LTFRB

ISANG buwan pa lang sa ilalim ng administrasyong Marcos ay naibigay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangakong kabayaran sa drivers at operators ng mga Public Utility Bus (PUB) sa EDSA Busway na nasa ilalim ng Libreng Sakay Service Contracting Program (SCP).

Ayon sa kasalukuyang datos, nakapagbayad na ang ahensiya ng P445.46M para sa anim hanggang 13 linggo ng SCP Phase 3 at pinoproseso na rin ang kabayaran para naman sa 14 hangang ika-15 na linggo.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil, nakikipag-koordinasyon na rin ang ahensya sa mga PUB consortia na nag-o-operate sa EDSA Busway upang masimulan na ang pagproseso para sa 16 week, na natapos noong nakaraang linggo.

Una rito, ang bagong LTFRB administration ay nangakong bibilisan ang pagbabayad sa PUB drivers at operators sa EDSA Busway sa gitna ng mga reklamo ng drivers at operators na hindi nababayaran ang kanilang serbisyo sa mga pasahero sa nabanggit na ruta.

“LTFRB will continue to address issues and concerns with regard to the current public land transportation system in line with the mandates of the new administration to improve the lives of our operators & drivers and the commuting public,” ayon sa  LTFRB official. (LILY REYES)

230

Related posts

Leave a Comment