P5.36-B ILLEGAL DRUGS SINUNOG SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang P5.36 bilyong halaga ng ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Trece Martires City sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng umaga.

Ang pagsunog sa nasabing mga ilegal na droga ay isinagawa dakong alas-9:00 ng umaga sa IWMI sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, at alinsunod sa guidelines ng kustodiya at disposisyon ng nakumpiskang mga droga sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Dangerous Drug Board Resolution No. 1, Series of 2002.

Ang sinunog na nakumpiskang mga ilegal na droga ay hindi na kinakailangan bilang mga ebidensiya sa korte.

Inilagay ang mga ilegal na droga sa isang thermal decomposition o thermolysis na may 1,000 degrees centigrade na init upang masigurong “totally decomposed”.

Saksi sa nasabing pagsunog ng mga ilegal na droga ang PDEA, Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG). (SIGFRED ADSUARA)

157

Related posts

Leave a Comment