P595-M SMUGGLED CIGARETTES, GINUTAY-GUTAY

PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga ang pagsira sa mahigit P595 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa inuupahang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City nitong Hunyo 13.

Bunsod ito ng pinaigting na anti-smuggling campaign sa Region 9 at BARMM na nagresulta sa pagkumpiska at pagsira sa mahigit 8,816 cases at 1,014 reams ng ismagel na sigarilyo.

Nasabat ang nasabing kontrabando sa pamamagitan ng maritime patrol operations sa iba’t ibang lugar sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi mula Nobyembre 2023 hanggang Abril 2024.

Ang mga sigarilyo ay mano-manong ginutay-gutay gamit ang isang pamutol. Binasa ng tubig at paulit-ulit na dinurog ng mga ahensyang kasosyo.

Kasunod nito ay itinapon sa sanitary landfill sa Brgy. Salaan, Zamboanga City.

BInigyang-diin ni Acting District Collector Arthur G.Sevilla Jr. ng Port of Zamboanga, ang mga hindi awtorisado at potensyal na mapanganib na kontrabando ay idinispos alinsunod sa environmental regulations at public safety measures. (JOCELYN DOMENDEN)

146

Related posts

Leave a Comment