P86-M PULANG SIBUYAS HINARANG SA BOC-SUBIC

HINDI nakalusot sa Bureau of Customs Port of Subic (BOC-Subic) nitong Hulyo ang 23 forty-footer containers mula China nang
madiskubreng pulang sibuyas ang laman ng mga ito, sa halip na mga tinapay.
Ayon sa BOC-Subic, mga tauhan ng Field Station ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Subic District Command ng
Enforcement and Security Service (ESS) ang humarang sa mga sibuyas.
Pumalo sa P86.250 milyon ang kabuuang hala­ga ng mga kinumpiskang sibuyas na naka-consigned sa isang “Duar Te Mira”.
Ayon sa BOC-Subic, nang dumating ang dalawang batches ng mga container ay nakadeklara sa kanilang manifesto na “chapatti bread” ang kanilang mga produkto.
Batay sa rekord, unang dumating ang 11 containers noong Hulyo 9 na inisyuhan ni Subic District Collector Maritess Martin ng  “pre-lodgment control order” (PLCO) na hiniling ng CIIS Subic Field Station at ESS Subic.
Ang alert order ay ipinag-utos ni Martin para malaman kung totoo o hindi ang “derogatory information” na natanggap ng CIIS tungkol sa nasabing shipment.
Isinunod agad ang phy­sical examination sa mga nabangggit na container kung saan natuklasang pulang sibuyas pala ang laman ng mga ito, sa halip na tinapay na chapatti.
“The Modus Operandi of smuggling attempts is usually thru splitting of cargoes. We monitored the manifests of incoming ships and identified several containers also consigned to Duar Te Mira,” paliwanag ni CIIS Subic chief, Verne Enciso.
Sa isinagawang profiling at pag-alerto ng BOC-Subic sa pagdating ng ikalawang batch ng 12 forty-footer containers noong Hulyo 13 na nakasakay sa MV SITC Port Klang mula China.
Pulang sibuyas din ang tumambad sa mga tauhan ng CIIS at ESS, taliwas sa deklaradong tinapay na chapatti.
Dahil dito, hiniling ng CIIS Field Station na maglabas din ng PLCO na inaprubahan naman ni Collector Martin na ipinadala sa lahat ng dibisyon ng BOC-Subic.
“This is a considerable volume of smuggled agricultural products for our Port. A possible intent could have been to offload here in the North and pass these off as locally grown produce,” ani Martin.
Ipinag-utos ni Martin na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon laban sa consignee.
Pinuri ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang liderato ng BOC-Subic para sa matagumpay na  anti-smuggling operation.
Ipinaliwanag ni Guerrero na: “Especially in this time of pandemic, our District Ports are on high alert for any smuggling attempts particularly on agricultural products that can flood the market and gravely affect the income of our local far­mers. We prevented that with the seizure of these shipments”.
Pinag-aaralan ng pamunuan ng BOC-Subic kung paano ang pinakamagandang paraan upang mai-dispose ang mga sibuyas.
Napakahalaga ng sibuyas sa mga pagkain ng mga Filipino, ngunit napakamahal ng presyo nito sa kasalukuyan.
103

Related posts

Leave a Comment