Paalala ng DOH ngayong Kapaskuhan HINAY-HINAY SA KATAKAWAN

HINAY-HINAY sa sobrang katakawan ngayong Kapaskuhan.

Ito ang babala kahapon ng Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang labis-labis na pagkain ngayong holiday season.

Partikular na pinaiiwasan ng ahensya ang mga pagkaing mataas ang sugar content, matataba at mamantika.

Sinabi ng DOH, ang naturang mga pagkain ay labis na nakapagpapalala sa iba’t ibang karamdaman lalo na sa mga mayroon nang iniinom na maintenance drugs.

Kailangan lamang daw kontrolin ang labis na pagkain lao pa ngayong kaliwa’t kanan ang handaan o Krismas party.

Para maging masaya ang Pasko at Bagong Taon, mas mainam na fresh at healthy meals ang ihain para sa pamilya at mga bisita, kaysa sa mga maasukal at mamantikang pagkain.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na suriing mabuti ang expiration date ng mga produkto at mga sangkap na gagamitin sa paghahanda ng pagkain.

Kung nasira o napanis na, sinabi ng DOH na kailangan nang itapon nang maayos ang mga ito.

Nagbabala rin ang DOH sa mga minor, buntis, at mga tsuper na iwasang mag-inom ng alak o maglasing sa kasagsagan ng kaliwa’t kanang okasyon. (JULIET PACOT)

201

Related posts

Leave a Comment