UPANG mapanatiling tuloy-tuloy ang factory operation at maiwasan ang kalaunang pagsasara, minabuti ng manufacturing industries sa loob ng freeport zone na maka-avail ng pabahay ang mga
manggagawa rito na malapit lang sa Clark habang nasa gitna ng health crisis dulot ng pandemya.
“We are exploring possibilities on the proposals of big manufacturing industries to look for Bubble housing near Clark to ensure continuity of operations and preserve jobs for thousands of workers,” ayon kay Clark Development Corporation President & CEO Noel Manankil sa isinagawang
pagpupulong nitong Miyerkoles kasama ang top executives ng Westchester Realty and Development Corporation at Home Development Mutual fund o Pagibig Fund sa Xevera Mabalacat
City.
Nabatid na mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine hanggang ngayong GCQ ay lubhang naapektuhan ang manufacturing industries sa Clark dahil sa pansamantalang work
stoppage.
“We’ve seen this problem during the ECQ. Manufacturing industries have been allowed to operate provided they have to house their employees to avoid being contracted with coronavirus. That
made a lot of sense to our locators in Clark,” ani Manankil.
Ang Xevera Mabalacat City ang nakikitang may potensyal na maaaring tirhan ng Clark workers dahil malapit at madali ang access sa Clark freezone.
“Xevera Mabalacat and Clark is separated through a perimeter fence,” ayon kay Westchester Realty and Development Corporation Chairman Rod Valencia.
Napag-alaman na dalawang Korean owned industries na ang nag-request ng nasabing Bubble housing para ma-accommodate ang kanilang mga manggagawa at bukod pa rito ay makatutulong
din para sa kasiguruhan ng kanilang health conditions.
Nabatid na ang Clark ay mayroong mahigit 1,200 locators at tinatayang mahigit 80,000 workers na ang karamihan ay sa pagmamanupaktura.
Maaari ring makahanap ng trabaho sa Clark ang mga umuwi at nawalan ng trabahong overseas Filipino workers (OFWs) na nakatira sa Xevera Mabalacat. (ELOISA SILVERIO)
157
