PAG-ALIS SA KARAPATAN SA GCTA LAW NG INMATES NA NAHATULAN SA HEINOUS CRIME MALI!

PRO HAC VICE

MALING-MALI!

Bakit aalisan ng karapatan sa Good Conduct Time Allowance Law ang mga na-convict sa heinous crime cases?

Di ba kaya isinabatas ang GCTA ay upang mapagbigyan ang mga presong makapagbago at maaga silang mapalaya dahil sa naturang batas, tapos aalisan ninyo sila ng karapatan?

Kahit nga ang ilang opis­yal ng Department of Justice (DOJ) na nagpanukala nito ay hindi rin sang-ayon sa naging pananaw ng kanilang kasamahan sa Kagawaran ng Katarungan.

Paliwanag pa ng mga naturang opisyal na ayaw nang magpabanggit ng kanilang mga pangalan na kaya umano ginawa ang nasabing batas upang matulungan ang mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen na sila’y magbago at mabigyan ng pagkakataon na makabalik sa lipunan.

Ayon pa sa naturang mga opisyal na ang GCTA Law ay naging isa sa mga susi upang magkaroon ng inspirasyon o pangarap ang isang bilanggo na magbago at maagang makalaya dahil sa naturang batas, tapos sasabihing sila ay hindi maaaring makinabang sa naturang batas?

Ano ba ‘yan! Isip-isip naman mga marurunong sa batas!

Dagdag pa ng mga natu­rang opisyal sa DOJ na tama lamang na kuwestyunin sa Korte Suprema ang revised implementing rules and regulation ng expanded Good Conduct Time Allowance Law at naniniwala ang mga natu­rang opisyal na tanging ang Supreme Court (SC) lamang ang siyang makapagbibigay-linaw ng naturang batas.

Kamakailan lamang ay nagpasaklolo na sa SC ang may walong mga “persons deprived of liberty” (PDL) na nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa mga karumal-dumal na kaso na kanilang kinasasangkutan.

Sa kanilang petition hi­ling nilang pigilan ng SC ang Bureau of Corrections na i­patupad nang retroactive ang exclusion na nakasaad sa Section 1 ng RA 10592, gayundin sa ilang probisyon ng Revised IRR.

Giit ng petitioners, ito ay labag sa Article 22 ng Revised Penal Code na nagtatakda na ang penal laws na paborable sa convicts ay mayroong re­troactive effect.

Maging ang probisyon sa Revised IRR na nagsasabing hindi na kailanman magagawaran ng time allowances ang disqualified PDL sa expanded GCTA na nakulong o nahatulan pagkatapos ng pag-iral ng RA 10592 ay kanila ring ipinadedeklarang invalid dahil ito raw ay labag sa equal protection clause na ginagarantiyahan ng Saligang Batas. (Pro Hac Vice /  BERT MOZO)

204

Related posts

Leave a Comment