KAMARA SA PNP: P35M BOUNTY SA BATOCABE MURDER NASAAN?

(NI ABBY MENDOZA)

IIMBESTIGAHAN ng  House public accounts committee kung saan napunta ang P35 milyon bounty na nalikom mula sa mga miyembro ng House of Representatives, sa Office of the President at Albay Provincial Government para sa kaso ng napaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe noong nakaraang taon.

Ayon kay Manila Rep. Benny Abante, inihain ang House Resolution No. 384 bilang bahagi ng oversight function ng Kamara, aniya, nais nyang maimbestigahan ng Kamara kung saan napunta ang malaking pabuya para sa kaso ni Batocabe matapos na rin makatanggap  ng impormasyon ang mga kongresista  na karamihan sa mga witnesses sa kaso ay hindi nakatanggap ng kanilang bahagi sa bounty.

Ang P35 milyon ay ibinigay ng Kamara sa Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing halaga ay P13M ang mula sa mga kongresista, P20M mulackay Pangulong Duterte at P2M sa provincial government ng Albay.

Sinabi ni Ako Bicol Rep Alfredo Garbin na dapat ipaliwanag ng PNP kung paano ipinamahagi ang reward money.

Giniit naman ni Anakalusugan Rep Mike Defensor na dahil sa hindi natanggap ng mga testigo ang pabuya ay karamihan sa mga ito ay takot nang tumestigo sa kaso partikular ang paguugnay sa pangunahing suspek sa kaso na si dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo na ngayon ay nakalalaya matapos payagang makapagpiyansa.

“Wag naman sana ma-ninja yung pondo, na nandyan talaga at nagagamit para sa kaso ni Batocabe”pahayag ni Defensor.

Si Batocabe, 52, na tumatakbong alkalde ng Daraga Albay noong nakaraang eleksyon ay pinagbabaril noong Disyembre 22 sa gitna ng gift giving event sa senor citizens sa Albay, kasama rin sa napatay ang police escort nito na si SPO2 Orlando Diaz.

 

135

Related posts

Leave a Comment