(NI ABBY MENDOZA)
DAHIL maraming indibidwal o grupo ang ginagamit ang pagkakaroon ng religious groups o organisasyon para makapanloko ng kapwa,isinusulong ng isang partylist group ang isang panukala kung saan magkaroon ng sistema na kikilala at magsesertipika sa mga lehitimong religious groups.
Layon ng House Bill 9038 o Church Recognition Act na inihain ng Kabayan Partylist na protektahan ang publiko laban sa mapanlinlang na grupo na ginagamit ang relihiyon para sa pansariling interes.
“Unfortunately, not all religious groups or organizations are established for legitimate purposes, particularly that of propagating their religious beliefs. Some would represent themselves as religious leaders willing to tend to their flock, yet the real motive is to use such organizations for their personal motives or gains,” ayon kay Kabayan Partylist Rep Ron Salo.
Sa nakalipas na taon umano ay kapansin pansin ang pagdami ng ibat ibang
religious organizations ngunit wala namang malinaw na guidelines para kilalanin ang mga ito na lehitimo o hindi.
Sa ilalim ng panukala ang mga church o religious groups na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay kailangan din na mag apply of Certificate of Recognition sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Bago maisyuhan ng sertipikasyon ay dapat makapagsumite ang mga ito ng certificate of recognition mula sa SEC at listahan ng kanilang mga bonafide members.
Sakaling maisabatas, ang gagastusin sa pagpapatupad nito ay aakuin ng PSA ba sya ding magpapalabas ng rules and regulations.
150