PAGBABA NG ALERT LEVEL SA NCR HINDI PA TIYAK

WALA pang nakikitang data ang mga awtoridad para suportahan ang panawagan na ibaba ang Metro Manila sa COVID-19 Alert Level 3 ngayong linggo.

Sa kasalukuyan, ang National Capital Region ay nasa ilalim ng alert level 4 hanggang Huwebes.

“Sa ngayon po, wala pang datos na nagpapakita na pupuwedeng bumaba [ang alert level]. Pero pupuwede naman itong magbago,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Noong nakaraang linggo, ang Kalakhang Maynila ay nakapag-ulat ng average na 4,347 coronavirus infections para sa isang araw, bumaba mula sa peak o rurok na 5,714 daily cases mula Setyembre 5 hanggang 11, ayon kay Dr. Althea De Guzman, pinuno ng epidemiology bureau ng DoH.

Gayunman, ang output ng testing laboratories noong nakaraang linggo ay bumaba ng 37,000 hanggang 248,000.

Nakikipag-ugnayan na ang health department sa local governments upang alamin ang mga dahilan nito. (CHRISTIAN DALE)

113

Related posts

Leave a Comment