PAGBABAKUNA SA MINORS PINABORAN

PAYAG si Senador Nancy Binay na simulan ang pagbabakuna sa menor de edad bilang paghahanda sa posibleng pagbubukas ng face-to-face classes at makamit ang herd immunity sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na sa ngayon, tanging Pfizer ang pwedeng gamitin sa menor de edad kaya nararapat lamang na paramihin ang mabibiling bakuna upang hindi umasa ang magulang na mababakunahan ang kanilang anak.

“Agree ako na mabakunahan din yung mga bata, at suportado ko yung initiative na mas maraming age groups ang mabigyan ng bakuna,” ayon kay Binay.

“But at this point, Pfizer is the only vaccine approved for children. Baka kasi paasahin na naman ang marami sa wala,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Binay na dapat nakapokus ngayon ang pamahalaan sa pagbabakuna ng vulnerable sector tulad public transport drivers,vendor kabilang ang senior citizen at may comorbidities na kailangan maghanapbuhay. (ESTONG REYES)

141

Related posts

Leave a Comment