KINUMPIRMA ng Chinese Embassy in Manila ang isinagawang deportasyon sa 100 Chinese nationals na sinasabing sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Sa ibinahaging impormasyon ng Embahada ng China, magkatuwang ang law enforcement authorities ng China at Pilipinas na ipinatapon pabalik ng China ang 100 Chinese nationals dahil sa pagkakasangkot sa POGO habang nasa bansa. “This marks another step in the law enforcing cooperation of the two countries after the ban on POGO takes effect, showcasing the commitment of both sides in combating illegal gambling,” ayon sa inilabas…
Read MoreSURPRISE INSPECTION VS COLORUM NA RIDERS
NAGSAGAWA ng surprise inspection ang pamunuan ng Joyride laban sa mga habal-habal. Sinamahan ito ng mga tauhan ng PNP sa PITX upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maiwasan na magamit ang uniform sa iba’t ibang krimen ng hindi legit na riders. Ilang kolorum na hindi konektado sa Joyride ang kinumpiska ang kanilang uniform at tinikitan ng pulis bilang paglabag sa anti colorum law (Rudy Sim) 176
Read MoreMPD OFFICIAL HINAHANGAAN SA PAGIGING MAKA-DIYOS AT MAKATAO
TUNAY na lingkod-bayan na may malasakit sa kapwa at sa kanyang komunidad. Ganito kung ilarawan si Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander ng Meisic Police Station 11 dahil sa kanyang pagiging huwarang lider at tagapag silbi sa bayan. Si Mupas ay hindi lamang nagsisilbing gabay sa kanyang pinamumunuang unit sa kapulisan kundi isa ring inspirasyon sa maraming tao. Kinikilala rin ng marami ang kanyang walang sawang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng kanyang mga proyekto para sa kapakanan ng nakararami. Hayagan naman ang pagsaludo ni Mupas sa pamumuno ni…
Read MoreISKO SA MGA NEGOSYANTE: KALINISAN, KATATAGAN SA MAYNILA BABALIK
“NAGAWA na namin noon, at kaya namin itong gawin muli.” Ito ang pangako ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kandidatong alkalde ng Maynila, sa mga negosyante ng lungsod bukod aniya sa ibabalik din ang kalinisan at katatagan sa kabisera ng bansa. Sa kanyang pananalita sa harap ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), ipinangako ni Domagoso na ibabalik ang kanyang tax amnesty program at ang epektibong sistema ng pangangalap ng basura. Ipinagmalaki ng kandidatong alkalde na nang umupo siya sa pwesto noong 2019, hindi lamang niya pinanatili…
Read MorePNP: PAMILYA NG DINUKOT NA BRITISH SCHOOL STUDE, HINDI NAGBAYAD NG RANSOM
HINDI umano nagbayad ng ransom money ang pamilya ng dinukot na katorse anyos na estudyante ng Manila British School sa Taguig City kapalit ng pagpapalaya rito ng mga hindi pa natutukoy na mga kidnapper, ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP). Sa pahayag ng pulisya, natagpuan inabandona ang binatilyong Chinese-Malaysian student sa Macapagal Avenue sa Parañaque City Martes ng gabi. Sinasabing dinala ang bata sa Saint Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City para sa medikal na pagsusuri upang matiyak na nasa mabuti siyang kalagayan matapos ang hindi inaasahang…
Read MoreTRAIN PROJECTS MALABONG MAKUMPLETO NG BBM ADMIN
Ni Tracy Cabrera DILIMAN, Lungsod Quezon — Lumilitaw na malabo nang makumpleto ang mga big-ticket railway project sa termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (PBBM) makaraang aminin ng Department of Transportation (DoTr) nahaharap ito sa ligal na opinyon na maaaring magpaantala sa pagkakaroon ng right of way (ROW). Hinayag ng mga source sa DoTr na maituturing na malaki ng hamon para sa administrasyong Marcos Jr. na makamit ang target nitong malunsad ang ₱873.6-bilyong North-South Commuter Railway (NSCR) at ₱488.5-bilyong Metro Manila Subway Project (MMSP) paloob ng termino nito. Sa…
Read MorePUV MODERNIZATION SUSUSPENDIHIN NI TRANSPORTATION SEC VINCE DIZON
KINUMPIRMA ni Senate President Francis Escudero na plano na ni Transportation Secretary Vince Dizon na suspendihin ang implementasyon ng Public Transport Modernization Program o Jeepney Modernization Program. Sinabi ni Escudero na nakausap na niya si Dizon at sinabing sususpindihin ang programa habang hindi pa tapos ang pagrepaso rito. Idinagdag ng Senate leader na nabasa na rin ng kalihim ng DOTr ang posisyon ng Senado na nagrerekomenda ng supensyon sa programa. Tinukoy ni Escudero ang inaprubahan nilang resolusyon na nananawagan sa ehekutibo na ipagpaliban ang full implementation ng modernization program sa…
Read MoreAlam nang bawal, lumusot pa rin sa busway PNP LAW BREAKER – PANELO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINATUTSADAHAN kahapon ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang Philippine National Police (PNP) at tinawag na ‘law breaker’ matapos ang kontrobersyal na pagdaan ng convoy ng umano’y ‘higher official’ nito sa EDSA busway kamakalawa. Sa ulat, sinita ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTR-SAICT) ang convoy na nangatwirang may importanteng aktibidad na dadaluhan ang sakay na opisyal sa Camp Crame kaya kailangan nitong makarating agad. Para kay Panelo, dapat sampahan ng reklamo ang nasabing opisyal ng PNP dahil sa paglabag…
Read More1 PANG DQ VS TULFO ISINAMPA SA COMELEC
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAHAHARAP sa panibagong reklamo ng disqualification si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, may panibagong petisyon na inihain sa poll body nitong Martes. Tinukoy niya ang naghain ng petisyon na si Berteni Cataluña Causing at ang Graft-free Philippine Foundation, Inc. na kinatawan ni Diosdado Villar Calonge. Giit ni Causing sa kanyang petisyon na disqualified si Tulfo bilang kandidato sa pagkasenador matapos ma-convict sa 4 na bilang ng libelo. Naunang naghain ng disqualification (DQ) kay Tulfo at iba pang…
Read More