SUGATAN ang braso ng isang 46-anyos na karpintero makaraang salagin ang jungle bolo na inihataw sa kanya ng isang isang lalaki noong Huwebes ng hapon sa Vitas, Tondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Eusebio Buri, binata, ng Barangay 105, Tondo, Manila. Nakatakas naman ang suspek na si alyas “Kagurang” sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni Police Captain Eric Casuncad, hepe ng Smokey Mountain Police Community Precinct, sakop ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District. Ayon sa report ng isang Wilfredo Negro, security guard ng Tondo Medical…
Read MoreSENIOR CITIZEN NAPISAK SA TRAILER TRUCK
DEAD on the spot ang isang 60-anyos na ginang makaraang masagasaan ng 10 wheeler truck sa panulukan ng Raxabago at Juan Luna Streets, Tondo, Manila nitong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Zenaida Bobier, residente ng Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Johnny Acebes kay Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Investigation and Traffic Section (VITS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa naturang lugar. Minamaneho ni Jerry Llavore ang 10-weeler truck sa eastbound lane…
Read MoreMAHIGIT 400 PASAHERO STRANDED, 11K RESIDENTE INILIKAS SA QUEZON
MAHIGIT 400 katao ang na-stranded sa mga pantalan at 11,000 residente ang lumikas sa iba’t ibang bahagi ng Quezon Province dahil sa pagbaha at malakas na ulan dulot ng Bagyong Kristine. Ayon kay Gobernador Helen Tan ng Quezon Province, umabot sa 477 katao ang na-stranded sa mga pantalan katulad sa Dalahican, Infanta, Real, Atimonan, San Andres, at Gumaca. Siniguro ng lokal na pamahalaan na sila ay nasa maayos na kalagayan at nabigyan ng sapat na pagkain at lugar para pansamantalang manatili. Dagdag pa ni Tan, patuloy ang paglilinis sa mga…
Read More7 BAHAY NATANGAY NG BAHA SA QUEZON AT BATANGAS
PITONG bahay ang natangay ng baha nang umapaw ang ang tubig sa Bantilan river na nasa hangganan ng Batangas at Quezon province, noong Huwebes ng gabi. Ayon kay Kapitan Leoncio Umali ng Barangay Manggalang -Bantilan, sa Sariaya, Quezon, bandang alas 3:00 ng hapon nang magsimulang umapaw sa pampang at umabot sa mga kabahayan ang tubig sa Sityo Paradahan. Agad siyang nag-abiso sa mga residente na lumikas at magtungo sa barangay hall at sa eskwelahan na pansamantalang ginawang evacuation center. Bandang umaga ay banayad pa ang agos ng tubig, pero ng…
Read More2 MISSING SA BAGYONG KRISTINE SA CAVITE
DALAWA katao ang hinihinalang nawawala, isa rito ay natangay ng baha habang ang isa naman ay hinihinalang nalunod sa kasagsagan ng malakas na paghagupit ng bagyong Kristine sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cavite noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang nawawalang mga biktima na sina Annalyn Gonzales y Mercado, 48, negosyante, ng Brgy. Sambong Tagaytay, City, Cavite at Soledad Mojica y Elequillo, 59, magsasaka, ng Brgy. Taiwanak Ibaba, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ng Tagaytay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), bandang ala-1:00 ng hapon noong Huwebes…
Read More6 PATAY SA FLASHFLOOD SA BATANGAS
UMABOT sa anim katao ang kumpirmadong namatay sa magkahiwalay na insidente ng pagragasa ng baha sa lalawigan ng Batangas noong Huwebes. Sa inisyal na report ng PNP, lima ang nasawi sa bayan ng Agoncillo nang rumagasa ang baha na may kasamang bato, kahoy at putik. Ayon sa LGU, dalawa sa mga biktima ay mula sa Barangay Subic Ilaya, isa mula sa Barangay Subic Ibaba at isa rin sa Barangay Panhulan. Ngunit ayon sa MDRRMO, posibleng madagdagan ang bilang dahil marami pa ang nawawala. Kasalukuyan pang kinukumpirma ang mga ulat na…
Read More14 BANGKAY NAREKOBER SA LANDSLIDE SA TALISAY, BATANGAS
UMABOT na sa 14 na ang narekober na katawan ng mga nasawi sa nangyaring landslide sa Purok B, Brgy. Sampaloc sa Talisay, Batangas. Ayon sa report ng Police Regional Office 4A (PRO CALABARZON), 12 sa nakuhang mga bangkay ay mga bata. Anim pa ang hinahanap ng mga rescuer sa patuloy na isinasagawang search and retrieval operation. Ayon sa mga awtorida, nitong Huwebes ng gabi, gumuho ang makapal na lupa at mga bato mula sa bulubunduking bahagi ng lugar patungo sa mga nasa ibabang kabahayan sa kasagsagan ng pag-ulan dala ng…
Read MoreSTS KRISTINE DEATH TOLL 46, MISSING 20
DAHIL marami pang lubog na lugar na hindi nararating ng mga Search and Rescue team matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine, pinangangambahang lolobo pa ang naitalang death toll na nasa 46 na habang may 20 iba pa ang idineklarang nawawala bukod sa mga sugatan . Sa initial situational report na ibinahagi kahapon ng Office of Civil Defense, nasa 46 katao na ang sinasabing nasawi sanhi ng pagkalunod at landslides o nabagsakan ng mabigat na bagay. Pinakamaraming naitalang casualties sa Bicol regions na may 28 ang bilang ng mga…
Read MoreTS LEON POSIBLENG TUMAMA SA PILIPINAS SA LINGGO
BUKOD sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at kanilang operating arms sa pangunguna ng Office of Civil Defense, naghahanda na rin ang Philippine Red Cross (PRC) sa isa pang bagyong nagbabantang pumasok sa area of responsibility ng bansa. Nagbabala rin si PRC Chairman at CEO Richard Gordon dahil palakas aniya nang palakas ang mga bagyong dumarating sa bansa kaysa inaasahan. Kung hindi magbabago ang tinatahak na direksyon nang namataang tropical depression ng Japan Meteorological Agency (JMA) sa bisinidad ng Guam na sinasabing ganap nang isang tropical storm na…
Read More