ANIBERSARYO NG PGH BILANG COVID-19 REFERRAL CENTER, GINUNITA

GINUNITA nitong Lunes ang ika-5 anibersaryo ng pagdedeklara ng Philippine General Hospital (PGH) bilang COVID-19 Referral Center. Pinangunahan ito ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, nagsabing umusad man ang mga taon ay hindi dapat kalimutan ang aral na iniwan ng naranasang pandemya. Sa nasabing hamon, inalala naman ni Dr. Jonas Del Rosario ang pagkamatay ng kanyang mga magulang na tinamaan ng naturang sakit. Aniya, ang pagiging COVID survivor ay hindi lamang ang paggaling mula sa sakit kundi maging ang hindi pagsuko at patuloy na pag-usad sa buhay. (JOCELYN DOMENDEN) 229

Read More

Marcos admin pumiyok TAAS-PASAHE SA LRT ‘DI KAYANG PIGILAN

AMINADO ang Malakanyang na wala itong magagawa para pagbigyan ang apela at hirit ng iba’t ibang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipatigil ang naging kautusan ng Department of Transportation na taas-singil sa pamasahe sa LRT Line 1. Nakatakda na kasing ikasa ang bagong fare matrix ng Light Rail Transit Line (LRT1) ngayong Miyerkoles, Abril 2, 2025. “Gustuhin po natin man ‘no, gustuhin po ng administrasyon na ito po ay hindi muna maituloy pero iyan po kasi ang nakasaad sa kontrata. Kung hindi po ako nagkakamali, nabanggit po ito…

Read More

Paghahanap ni VP Sara ng ‘resibo’ INSULTO SA PAMILYA NG DRUG WAR VICTIMS

INSULTO sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang paghahanap ni Vice President Sara Duterte ng resibo o ebidensya sa 30,000 biktima para patunayan na nagkaroon ng sistematikong pagpatay, ani House assistant minority leader Arlene Brosas. Hindi aniya nito mapagtatakpan ang katotohanan na nagkaroon ng sistematikong pagpatay, hindi lamang sa panahong pangulo ang kanyang ama kundi noong mayor pa ito ng Davao City. “No amount of insults can cover up the killings,” ani Brosas na hindi nagustuhan ang tila pagmamaliit…

Read More

MOTORCADE NI IMEE MARCOS NILANGAW

VIRAL sa social media ang video ng nilangaw na motorcade ni Sen. Imee Marcos. Batay sa video, wala man lang taong nag-abang sa pagdaan ng motorcade ni Marcos, na sakay ng isang puting pick-up truck. “Motorcade ni Imee Marcos, nilangaw. Walang katao-tao. Pansinin niyo naman si Imee guys,” komento ng vlogger na si Kugman Reaction Vlog nang i-share nito ang viral video. Wala ring ni isang taong sumalubong kay Imee nang bumaba ito sa sasakyan. Ayon pa sa source, inutusan niya ang staff na dumaan sa palengke ngunit kaunti na…

Read More

QC MAYOR JOY INENDORSO SI CAMILLE

INENDORSO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si senatorial candidate Camille Villar kasabay ng kanyang pagdalo sa Gender and development assembly sa Quezon City nitong Lunes. Agad namang pinasalamatan ni Villar ang pag-endorso ni Belmonte sa kanyang kandidatura, kasabay ng pagtiyak na prayoridad nito ang pagsulong ng mga batas para sa kapakanan ng kababaihan, kabataan, marginalized sector, maging sa kalusugan at edukasyon. Tiniyak naman ni Villar na makaaasa ang mga taga-Quezon City na nakahanda siyang tumulong sa oras na mahalal siya bilang senador. Ang Quezon City ay isa sa may…

Read More

ENGKWENTRO NAPIGILAN, KAGAMITANG PANDIGMA NASABAT NG MILITAR

NASABAT ng tropa ng 6th Infantry (Redskin) Battalion ang iba’t ibang armas at pampasabog matapos mapigilan ang sagupaan sa pagitan ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Ganta, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Al Victor C. Burkley, commanding officer ng 6IB, nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente tungkol sa engkwentro sa pagitan ng armadong grupo na pinamumunuan ni Badrudin Dagandal at pangkat ni Bendao. Bilang tugon, agad nagresponde ang mga sundalo bandang alas-6:00 ng umaga, na nagresulta sa agarang pag-atras ng mga ito nang…

Read More

LOBOC RIVER, PAIILAWAN – SEN. LAPID

BILANG bahagi ng pagpapalago ng turismo, sinabi ni Senador Lito Lapid na pag-aaralan ang posibilidad na pailawan ang Loboc River sa Bohol na dinarayo ng mga turista dahil sa floating restaurants dito. Sa ginawang inspeksyon, inihayag ni Lapid na hiniling sa kanya ni Loboc Mayor Raymond Jala ang posibilidad na pondohan ang pagkakabit ng mga ilaw upang makapag-operate kahit sa gabi ang Loboc river cruise. Sinuspinde ni Mayor Jala ang panggabing operasyon ng mga floating restaurant matapos masira ng bagyo kaya nagdilim ang lugar at nagkaroon ng posibilidad ng panganib…

Read More

PAGTUKOY SA KINAROROONAN NG MGA PINOY SA MYANMAR PAIGTINGIN

UMAPELA si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Foreign Affairs at sa Philippine Consulate sa Myanmar na paigtingin pa ang pagsusumikap na malocate ang mga nawawalang Filipino matapos ang malakas na lindol. Sa gitna ito ng ulat na ilang Pinoy ang hindi pa mahanap matapos ang lindol. Bagama’t wala anyang Pinoy na napabalitang nasawi sa Thailand, hiniling ni Gatchalian sa DFA na pakilusin din ang kanilang mga tauhan upang matulungan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng lindol at tiyakin na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga nangangailangan. Pinuri ni…

Read More

AKSYON NI MAYOR VICO SA PEACE COVENANT EVENT PINUNA

KINONDENA ni Pasig City congressional candidate Atty. Christian “Ian” Sia ang pagiging arogante umano ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Partikular na pinuna ni Sia ang aksyon ng alkalde sa idinaos na peace covenant signing event sa lungsod kamakailan. Ayon kay Sia, maituturing na offensive ang pagbibiro ni Sotto nang magkunwari itong tila kinakamayan ang katunggali nyang kandidato. Magugunitang hindi umabot sa nasabing event si mayoral candidate Sarah Discaya, dahil masama umano ang pakiramdam nito. Nagtungo rin si Discaya sa peace covenant event, subalit maagang natapos ang aktibidad dahil maaga…

Read More