POSIBLENG maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung kasama ito sa ipinapaaresto ng International Criminal Court (ICC) lalo na kung mahuli. “Medyo maantala ang impeachment trial,” pag-amin ng isa sa mga 12 House prosecution panel na si Manila District III representative Joel Chua matapos umugong na naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinaliwanag ng mambabatas na may mga article of impeachment ang kailangan umano ang presensya ni VP Duterte sa Impeachment Court kaya kung kasama ito sa inisyuhan ng…
Read MoreMAS KAILANGAN NG MAHABANG OPERASYON NG LRT, MRT, EDSA BUS CAROUSEL – SOLON
LALONG kailangang pahabain ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at maging ang Edsa Bus Carousel dahil sa isasagawang rehabilitasyon sa Epifanio delos Santos Avenue o Edsa. Ito ang ipinanawagan ni Akbayan party-list representative Percival ‘Perci’ Cendaña sa Department of Transportation (DoTr) dahil kung hindi ay lalong mahihirapan ang mga commuters dahil inaasahan na mas titindi ang problema sa trapiko sa Edsa. “Mas lalong mahalaga ngayon na i-extend ang operating hours ng MRT, LRT, at ngayon, maging ang EDSA Bus Carousel, dahil tiyak na magdudulot ng…
Read MoreLOCAL ABSENTEE VOTING REGISTRATION PINALAWIG
PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) ang registration period para sa local absentee voting (LAV) mula Marso 7 hanggang Marso 17, 2025. Sa isang resolusyon na inilabas noong Lunes, inilipat din ng poll body ang deadline para sa pag-verify ng mga nagparehistro ng LAV mula Abril 8 hanggang Abril 11. Itinakda sa Abril 27, 2025 ang pagpapadala ng listahan ng mga kwalipikadong local absentee voters, local absentee ballots, at ang iba pang election forms. Kabilang sa absentee voters sa Pilipinas ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP),…
Read MoreMARAMING MAGLALAHONG POLITIKO KUNG EDUKADO MGA BOTANTE
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT HINDI ako maniniwala na gagawa ang Kongreso ng batas para tuluyang ipagbawal ang political dynasty sa ating Inang Bayan dahil mayorya sa mga politiko sa ating bansa ay mula sa political families na deka-dekada na sa kapangyarihan. Mas lalong hindi ako maniniwala na magsasawa ang mga politiko sa kapangyarihan dahil sanggol pa lamang ang kanilang mga anak ay inihahanda na nila para maging kapalit sa kanilang kaharian sa mundo ng politika. Ang tanging pag-asa para mawala ang mga political dynasty at mga politikong walang silbi ay…
Read MoreSA PAGPAPATAKAS NG BI SA PUGANTE, DAPAT NANG MAKIALAM ANG NBI
BISTADOR ni RUDY SIM KAHIT sa araw ng Linggo ay nagkukumahog na nagpatawag ng press conference itong Commissioner ng Bureau of Immigration na si Joel Viado para iharap sa media ang nahuli na nila kuno na puganteng pinatakas, dahil sa kahihiyang inabot ng kanyang pamunuan matapos na patakasin ng mga tauhan nito ang isang puganteng South Korean, na matatandaang pinatakas ng tatlong personnel ng Warden facility pagkatapos ng court hearing nito sa QC Hall of Justice. Ang pananahimik sa isyu ni Department of Justice Secretary Boying Remulla, nasa ilalim ng…
Read MoreDAPAT MAY MANAGOT SA PAGBAGSAK NG CABAGAN-STA. MARIA BRIDGE
At Your Service ni Ka Francis HINDI dapat palagpasin ng mga kinauukulan ang nangyaring pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela kamakailan. Walang maniniwala sa mga Pilipino na walang kumita sa pagkakagawa ng tulay na ito, hindi pa nga umaabot ng isang taong ginagamit ay bumagsak na. Kung hindi tinipid ang pagkakagawa nito ay hindi basta-bastang babagsak ito. Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na mismo ang nagsabi nang magtungo siya nang personal sa pinangyarihan ng pagbagsak ng tulay, nakita niya kung gaanong kaliliit ang ginamit na mga…
Read MoreDRUG, POGO MONEY NAGAGAMIT NGAYONG 2025 MIDTERM ELECTION?
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKATANGGAP ng impormasyon ang PUNA na may tumatakbong mga kandidato ngayong 2025 Midterm Election, na ang ginagamit na pondo ay nagmula sa illegal drugs at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Isa sa pinaghihinalaang pinoponduhan ng drug at POGO money ay ang tumatakbong kongresista sa Quezon City 5th District? Si Rose Nono Lin ay minsan nang ipinatawag sa pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa isyu ng Extra Judicial Killings (EJK) at illegal drugs. Isa siyang naging resource person ng QUADCOM sa…
Read MorePAGTAAS NG CRIME RATE SA MAYNILA, ITINANGGI NG NCRPO-MPD, LGU
MARIING itinanggi ng Manila Police District at maging ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang lumabas na isyu na tumataas ang krimen sa lungsod. Ibinase ito sa datos ng Manila Police District (MPD) na mababa ang insidente ng krimen kung ikukumpara sa populasyon na nasa dalawang milyon. Sa datos ng MPD, nasa 78 ang reported crime incidents sa buong buwan ng Pebrero 2025 na naitala sa 14 na istasyon ng pulisya. Mas mababa ito sa 101 na kaso noong Pebrero 2024, sa 78 na insidente bunsod ng sunod-sunod na checkpoints…
Read More2 SOKOR FUGITIVES SA CEBU, PARANAQUE TIMBOG
INIULAT ng Bureau of Immigration ang pag-aresto sa dalawa pang puganteng South Korean na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Seoul at Interpol dahil sa pagnanakaw at ilegal na pagsusugal. Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang dalawang dayuhan ay naaresto noong Marso 3 sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga operatiba mula sa Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa mga lungsod ng Cebu at Parañaque. Sinabi ni Viado, ang parehong Koreano, na napapailalim sa red notice mula sa Interpol, ay inaresto sa kahilingan ng…
Read More