(JULIET PACOT/CHRISTIAN DALE) NAKAALERTO na ang mga ospital sa buong Kamaynilaan bilang paghahanda sa tradisyunal na Feast of the Black Nazarene na taunang dinadagsa ng mga deboto sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025. Ito ay makaraang isailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang mga ospital para sa pagresponde sa emergencies sa anomang oras partikular na ang mga concerned hospital personnel gaya ng doktor, nurses, surgeons at iba pa. Iniulat sa press conference ni DOH Health Emergency Management Bureau chief Dr. Irvin Miranda, bukod sa NCR,…
Read MoreKAMARA NAGTALA NG PINAKAMARAMING NAIPASANG PANUKALA SA PAMUMUNO NI SPEAKER ROMUALDEZ
NAITALA ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas, isang patunay ng pagiging produktibo ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress. Ang naabot ng Kamara ay nagtataas sa standard na dapat sundan ng mga mambabatas sa hinaharap at nagtataas sa reputasyon ng Kamara bilang isang kapulungan na umaaksyon ng may resulta. Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala sa Kamara. Sa bilang na…
Read MoreNCR MAY PINAKAMARAMING FIRE INCIDENTS
NANGUNGUNA ang National Capital Region sa may pinakamaraming fire incidents na naitala nitong nakalipas na taon ng 2024, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon sa inilabas na datos ng BFP, ang NCR ang nangunguna sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sunog sa bansa. Ayon sa talaan, nakapagtala ito ng 3,408 fire incidents at sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala ng 3,334 na mga insidente ng sunog. Habang malayo naman ang CALABARZON na nasa ikatlong pwesto na may 2,045 recorded fire incidents. Nasa ika-apat naman…
Read MoreMARY JANE VELOSO: KWENTO NG PAKIKIBAKA AT PAG-ASA
(Ni LEA BAJASAN) ANG pangalan na Mary Jane Veloso ay tumatak na sa maraming Pilipino. Ang kanyang kwento ay tungkol sa sakripisyo, kawalan ng katarungan, at pag-asa. Ipinanganak sa isang maliit na bayan sa Nueva Ecija noong Enero 10, 1985, si Mary Jane ay lumaki sa kahirapan. Bilang nag-iisang magulang ng dalawang lalaki, nagsumikap siya para matustusan ang kanyang mga anak. Tulad ng maraming Pilipino, nangarap siya ng magandang buhay para sa kanyang pamilya. Noong 2010, inalok siya ng trabaho bilang domestic worker sa Malaysia. Nagtiwala siya sa taong nagrekrut…
Read MoreSUPORTA SA MGA PELIKULANG PILIPINO
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAGAYA ng nagdaang holidays, isa sa mga inaabangan tuwing panahon ng kapaskuhan ang taunang Metro Manila Film Festival o MMFF. Puno ang mga sinehan lalo na’t nagiging bonding activity na ito ng mga pamilya at magkakaibigan. Hindi lamang isang selebrasyon ng sining at kultura ang MMFF, nagbibigay ito ng oportunidad at pagkakataon na kilalanin at bigyang-pugay ang galing at talento ng ating mga lokal na filmmaker, artista, at manggagawa sa industriya ng pelikula. Maganda ang line-up ng MMFF dahil tampok ang mga pelikulang hindi lamang…
Read MoreSSS PREMIUM HIKE BUENA MANO SA 2025
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ABA, hindi sinalubong ng matamis na ngiti ang buena mano ngayong taon. Sa tindahan kasi, ang buena mano o unang bumili ay may hatid na swerte sa negosyo. Sa negosyo ‘yan. Pero sa halip na ngiti – dagdag-kontribusyon na ipinatupad ng Social Security System (SSS) ang bumungad sa obrerong Pinoy. Bumulaga sa mga pribadong manggagawa ang 15 porsyentong contribution rate umpisa nitong Enero 1, 2025, base sa Social Security Act of 2018 (Republic Act No. 11199). Mas matindi at nakayayanig ito sa paputok na salubong sa…
Read MoreBAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA SA MAHUSAY NA LIDERATO NI GOV. HELEN TAN!
TARGET NI KA REX CAYANONG SA pagsalubong ng Bagong Taon, isang mensahe ng pag-asa at pasasalamat ang hatid ni Governor Helen Tan ng Quezon Province sa bawat pamilyang Quezonian. Sa ilalim ng kanyang mahusay na pamumuno na batay sa “Serbisyong Tunay at Natural,” walang kapantay ang malasakit at dedikasyon na kanyang ibinubuhos upang mapabuti ang buhay ng kanyang nasasakupan. Ang nagdaang taon ay nagbigay-diin sa mga makabuluhang pagbabago sa ilalim ng liderato ni Gov. Tan. Ang kanyang masinop at epektibong pamamahala ay nagresulta sa mga de-kalidad na programang pangkalusugan, serbisyong panlipunan,…
Read MoreBI DEPCOM FIXER?
BISTADOR ni RUDY SIM NAGPAHAYAG kamakailan si Solicitor General Menardo Guevarra, na kung itutulak ng pamahalaan ang pagkansela sa 1,500 bilang ng mga dayuhang may kinakaharap na kasong fake Filipino, ay maaaring gumastos ang gobyerno ng aabot sa P75 million. Pero alam kaya ni Guevarra na ito’y isang ugat lamang ng korupsyon sa ating pamahalaan? Kung gagastos ang pamahalaan ng ganitong kalaking salapi ay lingid sa kaalaman ni SolGen Guevarra na tubong lugaw pa ang mga kumag na opisyales ng ating pamahalaan partikular sa Bureau of Immigration, na imbes na…
Read MoreSM Prime and BFP unite to honor the Ten Outstanding Firefighters of the Philippines
SM Prime and the Bureau of Fire Protection (BFP) award the ten winners of the inaugural Ten Outstanding Firefighters of the Philippines (TOFF) at the SMX Convention Center Manila. SM Prime, in partnership with the Bureau of Fire Protection (BFP), honored the winners of the inaugural Search for Ten Outstanding Firefighters of the Philippines (TOFF) during a prestigious ceremony held at SMX Convention Center Manila. Recognizing contributions to nation-building The TOFF initiative honored the contributions of nearly 38,000 BFP personnel to nation-building, recognizing their heroism and dedication to advancing disaster…
Read More