PAGGASTOS SA P82.5-B PONDO SA BAKUNA ILANTAD

HINILING ng isang militanteng mambabatas sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko kung magkano na ang nagastos ng mga ito sa P82.5 billion na inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang kahilingan sa gitna ng pagdami ng mga tao na tila desperadong mabakunahan kaya sumusugod sa mga vaccination center kahit walang appointment.

“Malacanang has yet to account the spending of the P82.5 billion for vaccine procurement, administration and logistical needs. Magkano halimbawa ang ibinayad sa Sinovac at iba pang pharmaceutical companies?,” ani Brosas.

Kahapon ay sinugod ng mga tao ang Araneta Center kahit walang appointment na sila ay mababakunahan habang noong Huwebes ay nagkaroon ng kaguluhan sa Las Piñas at Manila dahil sa pagdagsa rib ng mga tao na gustong mabakunahan.

Ayon sa mambabatas, indikasyon ito na desperado na ang mga tao na magkaroon ng bakuna lalo na’t marami na ang naitatalang kaso ng Delta variant na ayon sa mga eksperto ay mas delikado sa tao kumpara sa mga naunang variant.

Hindi aniya mangyayari ito kung may sapat na supply ng bakuna at hindi nililimitahan ng Local Government Units (LGUs) ang inaaprubahan nilang online appointment.

“Magkano pa ang natitira sa pondong ito?” Puro pa-welcome at photo ops sa pagdating ng bakuna pero yung paggastos para sa bakuna, hindi nila maipakita,” ayon pa sa lady solon.

Ang nasabing pondo ay nakalaan umano sa pagbili ng mahigit 140 million doses ng bakuna para sa 70% populasyon ng bansa subalit marami umano sa mga dumarating na bakuna ay hindi binili ng gobyerno kundi donasyon ng iba’t ibang bansa at maging ng COVAX facility ng World Health Organization (WHO). (BERNARD TAGUINOD)

97

Related posts

Leave a Comment