PAGKAIN AT LIVELIHOOD SA BASECO RESIDENTS

PINAKIKINABANGAN ng Baseco residents ang mga proyektong ipinatutupad ni Senator Cynthia A. Villar dahil nagbibigay ito sa kanila ng food security at livelihood opportunities at trabaho habang napananatili ang malinis na kapaligiran.

Nagpatayo si Sen. Villar, na kilala sa pagbibigay ng hanapbuhay at mapagkakakitaan, ng livelihood projects sa mahirap na komunidad ng Baseco sa Tondo, Manila.

Aniya, ang mga proyektong ito ay pinagkukunan ngayon ng pagkain ng mga residente at karagdagang kita.

“We are very thankful that we are part of the intervention dedicated to the improvement of Baseco and its residents.

Soon, we can all be proud of our hard work and showcase Baseco as a model site for a community rehabilitation project coupled with urban agriculture, aquaculture and other livelihood projects,”giit ng senador na nakapagtayo na ng mahigit 3,000 livelihood projects sa buong bansa.

Ipinatupad ni Sen. Villar, chairperson ng Senate Agriculture and Food Committee, sa Baseco ang urban agriculture o gardening at hinikayat ang mga residente na magtanim ng mga gulay. Namigay siya ng seedlings and organic fertilizer.

“I believe that agriculture should not only be found in rural areas, but it should be practiced even in limited spaces in urban areas,” sabi pa ni Sen. Villar.

Noong 2019, pinangunahan ng senador ang pamamahagi ng 10 fishing boats at limang tri-bikes sa Baseco para magbigay ng livelihood opportunities sa beneficiaries. Ito ay partnership ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG).

Binigyan din ng senador ng fishing equipment ang mga mangingisdang residente ng Baseco.

Tinuruan din niya ang Baseco residents ng aquaculture para mas marami silang pagkain bukod sa meron din silang karagdagang kita.

Pinangunahan din niya ang proyekto na nagpapatayo ng toilet facilities para mahinto ang open defecation sa lugar. “We have been giving toilet bowls and building communal septic tanks to address the problem of sanitation in Baseco and afford residents access to a sanitary toilet facility,” dagdag pa ni Sen. Villar.

Upang matiyak ang malinis at malusog na kapaligiran sa Baseco, isinusulong din ni Sen. Villar, chairperson din ng Senate committee on environment and natural resources, ang waste management. Hiniling niya sa mga awtoridad sa regular na pagkuha ng basura para hindi ito tumambak sa Manila Bay.

Binigyan diin din niya na malaki ang naitutulong ng kanilang mga itinanim na mangroves para protektahan ang mga residente laban sa typhoon surge and flooding.

Bago ang pandemic, sinabi ni Sen. Villar, na linggo linggo siyang nasa Tondo dahil sa kanyang mga programa na nakatutulong sa mahihirap na pamilya. Nagsasagawa rin siya ng regular na clean up and tree-planting activities bukod sa binubusisi niya ang mga pinagagawang palikuran.

“We have been building roads and donating durable plastic chairs to schools in Baseco,” sabiu Sen. Villar, na dinala rin sa Baseco ang kanyang recycling projects mula sa Las Piñas.

Naging daan din si Sen. Villar sa konstruksyon ng mga kalsada sa Baseco compound na nagbibigay ng ginhawa sa mga residente.

Idinagdag pa ni Sen. Villar na patuloy ang ang kanyang asawang si Sen. Manny na ipinanganak at lumaki sa sa slum ng Tondo, sa pagtataguyod sa mga residente upang mapabuti ang kanilang komunidad.

Tuwing kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo sa buwan ng Enero, nagtutungo sina Senators Manny and Cynthia sa kanilang bahay sa Tondo at nakikisalamuha sa lahat ng barangay captains at school principals. Meron silang lunch at gift-giving para sa isang belated Christmas celebration. (ESTONG REYES)

216

Related posts

Leave a Comment