PAGKAMATAY NG 7 KATAO SA KARAHASAN SA KIDAPAWAN KINONDENA NG OPAPRU

MARIING kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang nangyaring madugong karahasan sa Kidapawan City sa lalawigan ng North Cotabato, na ikinamatay ng pitong armadong kalalakihan dahilan upang lumikas ang mga residente sa lugar.

“We are deeply saddened by this senseless loss of life. We extend our heartfelt sympathies and condolences to the bereaved families of those who perished. No dispute, regardless of its history or complexity, justifies the taking of human lives,” ani OPARU Secretary Carlito Galvez.

Ayon kay Sec. Galvez, lubhang nakababahala ang matagal nang alitan na nag-ugat sa away sa lupa na lubha ring nakaaapekto sa buhay ng maraming residente na namumuhay sa takot at malaki rin ang epekto sa kabuhayan at ekonomiya sa lugar.

Napatay sa ilang oras na sagupaan na nagsimula sa bayan ng Matalam na umabot hanggang sa kalapit na Barangay Malinan sa Kidapawan City si Salindato Edris Langalen na sinasabing leader ng grupo, at ang mga tagasunod nitong sina Sammy Baraguir, Marudin Baraguir, Nasrudin Baraguir, Nasrodin Amelil at Mohaimen Amelil na pawang dead on the spot, habang sa pagamutan na umano nalagutan ng hininga ang ikapitong biktima na si Mastura Edris Kusain.

Isa sa kasamahan ng grupo na nagtungo sa Matalam para kunin umano ang inaangkin nilang lupain ang nakaligtas sa umano’y pananambang sa kanila. Ito ang nagsabing in-ambush umano sila ng hindi nakikilalang kalalakihang naka-bonnet.

Nilinaw ni Lt. James Warren Caang, spokesperson ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO), na armadong sagupaan ang nangyari at hindi massacre gaya ng unang ibinalita noong Miyerkoles.

Tinitiyak naman ni Galvez na kontrolado ng national government ang sitwasyon. Tuloy-tuloy rin ang pagbabanatay at koordinasyon ng government security forces sa Local Government Units ng Matalam at Kidapawan at sa provincial government ng North Cotabato, para ma-secure ang apektadong mga barangay at masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan.

“Furthermore, the government’s peace mechanisms, specifically the Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) and the Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG), are also working on the ground alongside the AFP and PNP to investigate the incident, prevent further escalation of violence, and resolve the conflict,'”dagdag pa ng kalihim.

(JESSE RUIZ)

3

Related posts

Leave a Comment