PAGLABAS NG COVID-19 FUNDS NG PHILHEALTH PINASUSUSPINDE

PINASUSUSPINDE ng ilang senador ang pagbabayad ng P30 bilyong Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos matuklasan na ginagatasan ito ng ilang matataas na opisyal ng ahensiya.

Sa ginanap na pagdinig nitong Miyerkoles, natuklasan ng Senate Committee of the Whole sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III na ginagamit ang IRM upang magbayad sa pekeng
dialysis center na naidedeposito sa isang rural bank sa Bataan mula sa ibang rehiyon.

“The current allocation system is a complete disaster and is a huge stumbling block for our hospitals to be able to effectively address the killer pandemic,” ayon kay Sen. Francis Pangilinan sa
mensahe sa reporter.

“Suspend all (IRM) releases, and revise and redistribute the approved allocations,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Pangilinan na ginawa ang financial package upang ibulsa ito ng ilang tiwaling opisyal ng PhilHealth at hindi para tumulong sa pagtugon laban sa corona virus 2019 (COVID-19).

“[PhilHealth may] suspend the disbursements for a very limited period just to review the list of [hospitals] for purging of unauthorized recipients,” ayon kay Lacson.

Imungkahi rin ni Lacson na magkaroon ng external  audit ang Commission on Audit sa pondo na naibigay sa ilang pagamutan.

Pabor din si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa pagsuspinde ng pondo pero kailangan litisin ang lahat ng opisyal na nauna nang idinawit sa operasyon ng sinasabing “mafia”  sa ahensiya. (ESTONG REYES)

118

Related posts

Leave a Comment