Paglilinaw ng solon sa COVID-19 NO TESTING SA WALANG SINTOMAS

NILINAW kahapon ni Iloilo Rep at dating Health Secretary Jeanette Garin na hindi lahat ay maaaring sumailalim sa COVID-19 testing kung walang sintomas ng sakit.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Garin sa harap na rin ng pagnanais ng marami na sumailalim sa voluntary testing dahil na rin sa pagkaroon ng exposure sa taong nagpositibo sa sakit.

Ayon kay Garin, ang mga walang sintomas ng COVID-19 ay hindi talaga maisasailalim sa testing dahil magiging negative din ang resulta nito.

Paliwanag ng mambabatas na isa ring doktor, negatibo ang magiging test kung walang sintomas dahil makikita

lamang sa testing kit ang antigen ng virus kung may positive symptoms na ang isang pasyente.

Kapag symptomatic ang isang pasyente, dito lamang lalabas ang foreign substance ng virus.

Sinabi pa ni Garin na kahit may virus na sa katawan ang isang pasyente pero walang ipinakikitang sintomas ng

COVID-19, magiging false negative pa rin ang resulta ng test.

Payo rin niya, huwag mag-panic kahit pa nagkaroon ng exposure, kumalma lamang at mag-self quarantine.

Limitado  ang testing kits sa COVID-19 kaya dapat gawin lamang aniya ito sa mga may sintomas. ABBY MENDOZA

119

Related posts

Leave a Comment