KASAMA sa mga iprinoklama ng Comelec kahapon ang FPJ Panday Bayanihan Party-list na nakakuha ng 538,003 boto sa katatapos na midterm elections.
Ang first nominee na si Brian Poe Llamanzares ang uupo sa Kongreso sa darating na 20th Congress.
Sinamahan si Brian ng inang si Senator Grace Poe sa proklamasyon ng party-list.
Matapos ito ay nagbigay ng mensahe ang senadora para pasalamatan ang mga nagtiwala sa anak na si Brian.
“Maraming salamat sa Panginoon, at sa tiwala ng ating mga kababayan.
Makakaasa kayo na magsisikap ang aking anak para sa ikakabuti ng mas nakakarami.
Patuloy nating itataguyod ang alaala at legasiya ng pagtulong at kabutihan ni FPJ lalo na sa mga nangangailangan,” ayon sa senadora.
(Danny Bacolod)
