(CHRISTIAN DALE)
BUMUHOS ang pakikiramay sa mga naulila ni Philippine track and field legend Lydia de Vega sa pangunguna ng Palasyo ng Malakanyang.
“I join the entire nation in mourning the untimely demise of former Asian sprint queen Lydia de Vega, after a four-year battle with breast cancer. My sincerest condolences to her family and loved ones,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang kalatas.
Pinuri rin ng Pangulo ang accomplishments ni de Vega, binansagan bilang “fastest woman in Asia” noong dekada 80 at inilagay ang Pilipinas sa mapa ng international athletics.
Pumanaw siya kahapon sa edad na 57 matapos makipaglaban ng apat na taon sa breast cancer.
“Lydia de Vega has run her last race. She has finished her contest. She has fought a good fight. Let us pray for her peace,” ayon pa rin sa Pangulo.
Ang pagpanaw ni de Vega, o Diay sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ay ibinahagi ng kanyang anak na si Stephanie Mercado de Koenigswarter.
“On behalf of our family, it is with absolute grief that I announce the death of my mother, Lydia De Vega this evening, August 10, 2022, at the Makati Medical Center,” ayon kay Stephanie.
“She fought the very good fight and is now at peace,” dagdag pa niya.
Noong 2018 nang matuklasan na mayroong breast cancer si De Vega.
Noong 2019, nakita si De Vega sa opening ceremonies ng Southeast Asian Games kung saan isa siya sa mga flag bearer kasama ang iba pang Philippine sports icons.
Nakirama din ang mga mambabatas sa Kamara sa pamilya ng “sprint queen”.
“Our prayers and thoughts are with Lydia de Vega’s family at this most difficult time,” ani House Speaker Martin Romualdez kung saan kinilala nito ang binigay na karangalan ni De Vega sa bansa.
“She brought honor and pride to our country by winning numerous medals in the Southeast Asian Games, Asian Games and Asian Athletics Championships. She was called Asia’s fastest woman after ruling the 100-meter dash in the 1982 and 1986 Asian Games,” ayon pa kay Romualdez.
Sinabi naman ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga Jr., na hindi matatawaran ang karangalan na ibinigay ni De Vega sa Pilipinas at naging inspirasyon aniya ito ng mga kabataan para pasukin ang mundo ng palakasan.
Ganito rin ang pahayag ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo na ikinalungkot ang pagpanaw ng aniya’y “one of our treasured and most decorated athlete” sa Pilipinas.
“Today, we lost an all time great… a national treasure, the Queen of Track Lydia de Vega. She brought honor and glory to our country during the 80’s, as Asia’s Fastest Woman. Long live the Queen!!!! Diay you will forever be remembered,” ayon naman kay Valenzuela Rep. Eric Martinez.
Kasabay nito, umapela si Romualdez sa gobyerno at pribadong sektor na suportahan ang mga atleta hindi lamang sa panahon ng kanilang kalakasan kundi maging sa kanilang pagreretiro.
Bukod sa mga ito, nakiisa ang mga senador sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni de Vega.
Sinabi ni Sen. Win Gatchalian na maituturing si de Vega bilang role model ng younger generation ng mga atletang Pilipino lalo na ng kabataang babae.
Idinagdag ng senador na naghari si De Vega hindi lamang sa race tracks kundi maging sa puso ng mga Pilipino dahil sa kanyang world-class talent na nagdala ng karangalan sa bansa.
“My heartfelt thoughts and prayers go out to her bereaved family. It is my hope that Filipinos, especially our young athletes, continue to find inspiration in her life, legacy, and example to show the best of what our kababayans could be on the world stage,” saad ni Gatchalian.
Itinuturing naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva si de Vega bilang kanyang childhood hero.
“Naging inspirasyon po natin siya bilang isang atleta na nabigyan ng pagkakataon na mai-represent nang dalawang beses ang Pilipinas sa international competition sa larangan ng basketball. Ang aking lolo na si Joaquin Villanueva ay isang Olympian at sprinter katulad niya,” saad ni Villanueva.
Sa panig naman nina Sen. Robin Padilla at Lito Lapid, binigyang-diin na dapat papurihan si De Vega sa pagsisilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino. (May dagdag na ulat sina BERNARD TAGUINOD at DANG SAMSON-GARCIA)
229 