PALASYO DEDMA SA ‘RAKET’ SA FACE SHIELD

DEDMA lang si Presidential spokesperson Harry Roque sa pilit na pinalulutang ng ilang senador na ginagawa na lamang raket o negosyo ang mandatoryong pagsusuot ng face shield.

“Wala po akong alam doon sa raket na tinatawag. Pero alam ninyo po eh talagang naintindihan ko naman po talaga na napakahirap nitong face shield. Ako po nakasalamin, ‘pag ako naka-face shield siguradong nagpa-fog po ‘yan; napakahirap, mahirap lalo na doon sa mga nagsasalamin at saka extra cost ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

Subalit, kinakailangan din aniya na paniwalaan ng publiko ang sinasabi ng siyensya.

At isa aniya rito ay ang isang pag-aaral na nalathala sa Lancet – isang leading medical journal sa buong daigdig hindi lang sa Pilipinas.

Patuloy ang pagkuwestiyon ng ilang senador sa polisiya ng pamahalaan na minamandato ang pagsusuot ng face shield. (CHRISTIAN DALE)

143

Related posts

Leave a Comment