PALASYO SA PUBLIKO: BANGGAAN SA RECTO BANK ‘WAG GATUNGAN

duterte-30

(NI BETH JULIAN)

TODO apela ang Malacanang sa publiko na huwag na muna gatungan ang insidente ng banggaan ng barko ng China at bangka ng mangingisdang Filipino sa Recto Bank.

Ipinaliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na mayroong tinatawag na diplomatic channels at diplomatic protocol sa katulad na mga insidente.

Ayon kay Nograles, makabubuting makita muna nila ang mga pangyayari at pag-usapan ang mga nararapat gawin at hayaan ang Department of Foreign Affairs na gawin ang tungkulin nitong makipag-diplomasya.

Sinabi ni Nograles na kailangan din masiguro na hindi rin natatapakan ang soberenya at pagkatao habang pinaplantsa ang gusot para hindi rin magkaroon ng lamat ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at China.

Nagtakda sa hapon ng Joint Cabinet Cluster meeting sa Malacanang na pinamunuan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa security, justice at peace cluster at ni Secretary Carlos Dominguez para naman sa economic development cluster.

Tiniyak naman ni Nograles na ipararating nila agad kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mabubuong rekomendasyon sa pulong para makapagpasya  rin ng nararapat na aksyon ang Pangulo sa lalong madaling panahon hinggil sa pangyayari sa Recto Bank.

 

395

Related posts

Leave a Comment